50 barangay health workers binigyan ng MOH ng tulong pinansyal

COTABATO CITY (April 23, 2023) — Namahagi ang Ministry of Health sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MOH-BARMM) kasama si Cotabato City Mayor Mohammad Ali “Bruce” Matabalao ng mga set ng health kits at cash incentives na nagkakahalaga ng 9,600 pesos bawat isa sa 50 barangay health workers mula sa 37 barangay ng Lungsod.

Ang nasabing mga interbensyon na ipinamahagi sa mga barangay health worker ay nagmula sa tanggapan ni MP Rasul E. Ismael sa ilalim ng Transitional Development Impact Fund (TDIF) 2021.

Sinabi ni MP Ismael na malapit sa kanyang puso ang pagbibigay ng insentibo hindi lamang sa mga barangay health worker kundi pati na rin sa mga pasyenteng nahihirapan dahil nasaksihan niya ang hirap ng kanyang asawa na isa ding medical health practitioner.

Si Dr. Zul Qarneyn Abas, Dpty. Minister ng MOH, na kumatawan kay Minister Dr. Rizaldy Piang, ay pinasalamatan si MP Rasul E. Ismael sa inisyatiba ng pagbibigay ng mga insentibong ito sa mga barangay health worker ng Cotabato City.

“Malaking tulong po talaga ito. Ito po yong kanyang commitment. Ibig sabihin mahal po niya talaga kayo,” wika ni Abas.

Pinasalamatan din ni City Mayor Matabalao ang MOH sa hindi pagkalimot sa mga health worker at health practitioners dahil sila ang mga frontliners.

“Maraming salamat at meron tayong MOH na tinitignan ang kapakanan ng lahat ng mga barangay health workers at ng mga health practitioners,” pahayag pa ni Matabalao.

Ibinahagi ng isa sa mga barangay health worker ang kanyang mga kuwento sa larangan at kung gaano siya nagpapasalamat sa natanggap nila.

Sa programa, inihayag ni Saida Diocolano-Ali, Public Information Officer na ilulunsad ng MOH-BARMM ang “Chikiting Ligtas” sa Mayo 2, 2023, 9:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon sa CitiMall Cotabato, Gov. Gutierrez Ave, Cotabato City .


Ang nasabing aktibidad na adhikain upang masugpo ang pagkalat ng tigdas sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng pagbabakuna sa mga sanggol at bata 0-59 buwan para sa Oral Polio Vaccine at 9-59 buwan para sa Measles Rebulla.

Dumalo rin sa naturang kaganapan sina Dr. Tato M. Usman MPAIM, Atty. Jehan Jein Gulo RN, at Ms. Anisa Matuan, MPA, Chief of Planning Division. (Tu Alid Alfonso/BMN/BangsamoroToday, Litrato mula sa MOH-BARMM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Muslim dumagsa sa Eid’l Fitre Congregational Prayer sa Cotabato City; BARMM Chief Minister Ebrahim kabilang sa mga nagdasal
Next post Maguindano del Norte Gov. Macacua prayoridad ang pangkapayapaan, pagkakaisa, pagkakasundo at kaunlaran