MILF Political at Social Welfare Committee Assembly, Pinangunahan nina Chairman Murad at Iqbal sa Camp Darapanan

(Larawan mula sa MILFchairmanOfficial FB Page)

COTABATO CITY (Ika-21 ng Setyembre, 2025) — Pinangunahan ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Central Committee Chairman at United Bangsamoro Justice Party (UBJP) President Al Haj Murad Ebrahim ang isinagawang MILF Political and Social Welfare Committee (SWC) Assembly, na pinangasiwaan ni First Vice Chairman at Peace Implementing Panel Chairperson Mohagher Iqbal, katuwang si SWC Chairperson Engr. Aida Silongan.

Ayon sa nag-organisa ng programa na layunin ng pagtitipong na patatagin ang pampulitika at panlipunang ugnayan ng mga Bangsamoro, at magbigay ng plataporma upang higit pang mapalakas ang kanilang papel sa patuloy na laban para sa kapayapaan, katarungan, at sariling pagpapasya.

(Larawan mula sa MILFchairmanOfficial FB Page)

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Chairman Murad ang matatag na ugnayan ng MILF sa mga mamamayan sa grassroots level. Kanyang pinasigla ang lahat na aktibong makilahok sa mga usaping pampulitika at panlipunan upang sama-samang hubugin ang kinabukasan ng rehiyon.

Katuwang ng assembly ang isinagawang Regional Voters’ Education and Advocacy Program, na layuning itaguyod ang kamalayang pampulitika at hikayatin ang mga komunidad na gamitin ang kanilang karapatang demokratiko nang responsable at may layunin. (BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Madrasah Administrators Consultative Assembly, matagumpay na naisagawa ng NCMF
Next post MIT-Marawi Students, Lumahok sa Session ukol sa Kasaysayan ng Bangsamoro at Voters’ Education sa Marawi City