Supporters ni Minister Iqbal, Bumuhos ang Suporta at Paninindigan

(Poster mula sa mga post sa Social Media)

COTABATO CITY (Ika-5 ng Setyembre, 2025) — Kapansin-pansin ngayon sa Social Media ang Pagpapakita ng Buong-buong Suporta at Pagmamahal kay MBHTE Minister Mohagher M. Iqbal na sya ring M!LF Peace Implementing Panel Chair, M!LF Vice Chairman at UBJP Vice President and For Central Mindanao sa pamamagitan ng mensaheng “I AM BANGSAMORO AND I STAND WITH MINISTER IQ”

Magugunita na dakong alas-7:30 ng umaga ngayong araw, Setyembre 5, 2025, nagsagawa ng isang operasyon ang Cotabato City Police Office (CCPO) sa ilalim ng pamumuno ni PCOL JIBIN M. BONGCAYAO, City Director, katuwang ang 6th Infantry Division ng Philippine Army, Armed Forces of the Philippines, at Philippine Marines, upang magbigay ng seguridad sa Special Auditing Team (SAT) ng Commission on Audit (COA)-BARMM. Ang pangkat ay pinamumunuan ni State Auditor IV Wilson Ibrahim I. Panawidan, Acting Assistant Director.

Ayon sa Opisyal na Pahayag ng “Kutawato Pulisya” Facebook Page, ang nasabing operasyon ay isinagawa bilang tugon sa kahilingan ng COA-SAT para sa seguridad sa pagkuha ng mga dokumento mula sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE)-BARMM na matatagpuan sa Bangsamoro Government Center, Cotabato City.

Matapos makuha ang mga dokumento, agad itong inihatid sa Tactical Operations Group 12 (TOG 12) sa Awang Airport, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, at kasalukuyang nasa pangangalaga ng COA Special Auditing Team, sa pangunguna ni Auditor Panawidan.

Nagsimula ang aktibidad sa pamamagitan ng isang briefing sa punong himpilan ng 6th Infantry Division at matagumpay na natapos bandang alas-11:00 ng umaga.

Muling pinagtitibay ng Cotabato City Police Office ang kanilang matibay na paninindigan sa pagsusulong ng transparency, accountability, at matatag na ugnayan sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan para sa mabuting pamamahala at pagtitiwala ng publiko.

Ngunit, umalma ang isa sa mataas na Opisyal ng MBHTE na si Director General Abdullah P. Salik, Jr. dahil sa dami ng militar na nasa labas at loob ng MBHTE, ito anya ay “Overkill”.

Samantala, nanawagan ang tagapangulo ng Blue Ribbon Committee ng Bangsamoro Parliament na mag-indefinite leave si Education Minister Iqbal habang iniimbestigahan ng Commission on Audit (CoA) ang umano’y iregularidad sa paggamit ng P2.2 bilyong pondo ng rehiyon.

Ang panawagan ay ginawa ni Member of Parliament at abogado na si Rasol Mitmug kasabay ng pagsisimula ng special audit ng central office ng CoA noong Biyernes. Sentro ng imbestigasyon ang umano’y isang araw na paglalabas ng pondo na umabot sa P1.77 bilyon.

Pormal nang humiling ng kooperasyon mula sa mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang tanggapan ng CoA sa Maynila upang maisakatuparan ang masusing pagsusuri sa pondo.

Iginiit ni Mitmug na dapat hilingin ni Chief Minister Abdulraof Macacua ang pansamantalang pagbaba ni Iqbal sa puwesto upang mapanatili ang integridad ng imbestigasyon at maiwasan ang anumang posibleng panghihimasok sa proseso ng audit. (BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post 1,000 Punla, Itinanim sa Tree Growing at Adopt-A-Tree Activity ng MENRE sa South Ubian
Next post DAB Successfully Facilitates Phase 2 of Policy Research Training for OOBC Employees