MAFAR, Muling Ipinahayag ang Suporta sa mga Magsasaka ng Wao sa Isinagawang On-Site Visit

(Larawan mula sa MAFAR Lanao del Sur)

COTABATO CITY (Ika-22 ng Setyembre, 2025) — Muling pinagtibay ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform – Lanao del Sur (MAFAR-LDS) ang kanilang pangakong serbisyo sa mga magsasaka at mangingisda ng Wao sa isinagawang on-site visit noong Setyembre 19, bilang bahagi ng ika-11 Expanded Management Committee (ManCom) activity.

Pinangunahan ni MAFAR Minister Abunawas L. Maslamama ang pagbisita sa mga pangunahing lugar ng agrikultura, pangisdaan, at repormang agraryo sa nasabing bayan. Kabilang sa mga lugar na binisita ang Settlement Areas for Subdivision sa ilalim ng Agrarian Reform sa mga Barangay Kili-kili at Buntongan, ang MAFAR Municipal Office sa Brgy. Western, ang Bakahan Area sa Brgy. Banga, at isang taniman ng pinya sa Brgy. Siran.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Minister Maslamama ang mahalagang papel ng mga magsasaka sa kaunlaran ng bansa:

“Farmers are a lifeline. Even the President’s food is produced by farmers. That means you are very important to us. On behalf of MAFAR, our commitment to serve you continues, (Ang mga magsasaka ay lifeline. Kahit ang pagkain ng Pangulo ay gawa ng mga magsasaka. Ibig sabihin, napakahalaga ninyo sa amin. Sa ngalan ng MAFAR, mananatili ang aming pagtugon at serbisyo para sa inyo.)”

Kasama rin sa delegasyon si Provincial Director Atty. Khalid D. Ansano, PABE, na nagpahayag ng pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng komunidad at muling inilahad ang layunin ng kanilang ahensya:

“We are here to show our commitment. You are our true boss, and we are here to serve you, (Narito kami upang ipakita ang aming tunay na paninindigan. Kayo ang aming tunay na boss, at kami ay narito upang maglingkod sa inyo.)”

Nagpahayag rin ng kanyang karanasan si Dimasira Polayagan, isang lokal na magsasaka mula sa agrarian community ng Wao, tungkol sa naging tulong ng MAFAR sa kanilang komunidad:

“To us, you are like doctors in the agriculture sector—you bring solutions to our problems. Because of your efforts, our lands were surveyed and our issues were resolved, (Para po sa amin, kayo ay parang mga doktor sa larangan ng agrikultura—kayo ang nagbibigay lunas sa aming mga problema. Dahil sa inyong pagsisikap, naisurvey ang aming lupa at naresolba ang aming mga isyu.)”

Isa sa mga tampok ng pagbisita ay ang seremonyal na pagpirma sa mga acknowledgment banner nina Minister Maslamama at iba pang opisyal ng MAFAR—isang simbolikong hakbang ng patuloy na pagkilala at suporta ng ahensya sa mga mamamayan ng Wao. (BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MILG Pinangunahan ang Pagsasanay para sa Kapayapaan at Pagbabago ng mga Dating Rebelde sa Maguindanao del Sur
Next post MSSD, namahagi ng ayuda sa mga residenteng nasalanta ng baha sa Pandag, Maguindanao del Sur