Engr. Ali, hinirang na Bagong Chairman ng MILF Information Committee

Engineer Mohajirin T. Ali, MNSA (Litrato mula sa BPDA-BARMM, banner photo kuha naman ng BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-21 ng Hulyo, 2025) — Opisyal na ibinigay ni Chair Mohagher Iqbal ang pamumuno ng MILF Information Committee kay Engr. Mohajirin T. Ali, MNSA na ginanap sa Bangsamoro Leadership and Management Institute (BLMI), Sultan KUdarat, Maguindanao Del Norte araw ng Linggo.

Dumalo sa handover ang mga provincial directors ng Information Committee mula sa iba’t ibang probinsya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na nagpapakita ng malakas na suporta para sa transisyon at panibagong pangako sa gawain ng Committee sa pagsusulong ng impormasyon, kamalayan, at pagkakaisa sa loob ng MILF at komunidad ng Bangsamoro.

Binigyang-diin ni Chair Iqbal, na ngayon ay nanunungkulan sa MILF Central Committee bilang 1st Vice-Chairman, ang kahalagahan ng turnover. “This transition reflects the evolving structure and growing responsibilities of our movement as we continue to engage in governance and political work, (Ang paglipat na ito ay sumasalamin sa umuusbong na istraktura at lumalaking mga responsibilidad ng ating kilusan habang patuloy tayong nakikibahagi sa pamamahala at gawaing pampulitika),” wika ni Chair Iqbal.

Inilarawan niya si Engr. Ali na kayang-kaya nya ang nasabing tungkulin kasabay ng pag banggit nito sa kanyang mahabang paglilingkod sa MILF at sa Gobyernong Bangsamoro, at ang kanyang walang-humpay na pangako sa Bangsamoro para sa Karapatan sa Sariling Pagpapasya.

Kasama ni Engr. Ali, si Marjanie Mimbantas Macasalong na  itinalaga rin bilang Vice Chair ng Komite ng Impormasyon, na nagpapatibay sa istruktura ng pamumuno at higit na nagpapalakas sa kapasidad ng Komite na isagawa ang mga tungkulin nito sa buong rehiyon.

Sa kanyang acceptance message, na nailathala sa luwaran.com, sinabi ni Engr. Ali ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa pamunuan sa tiwala na ibinigay sa kanya.  “I thank the leadership for this responsibility. I know it won’t be easy, but I am ready to serve, (Nagpapasalamat ako sa pamunuan para sa responsibilidad na ito. Alam kong hindi ito magiging madali, ngunit handa akong maglingkod),” anya.

“The work ahead will be challenging, but I believe that with the support of the officers and members of the Information Committee, we can continue the good work that has already been started, (Ang gawain sa hinaharap ay magiging mahirap, ngunit naniniwala ako na sa suporta ng mga opisyal at miyembro ng Komite ng Impormasyon, maaari nating ipagpatuloy ang magandang gawain na nasimulan na),” punto ni Ali.

Binigyang-diin din niya ang pangangailangan ng sama-samang pagsisikap, lalo na sa panahong ito ng transisyon. “I know I cannot do this alone. Your experience, your insights, and your continued dedication will be vital in the months ahead. I hope to work closely with all of you as we move forward, (Alam kong hindi ko ito magagawa nang mag-isa. Ang inyong karanasan, ang inyong mga insight, at ang inyong patuloy na dedikasyon ay magiging mahalaga sa mga susunod na buwan. Umaasa akong makipagtulungan sa inyong lahat habang sumusulong tayo),” hiling nito sa kanyang mga kasamahan. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)








Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Bangsamoro Parliamentary Elections Set for October 13, 2025: A Historic Step Towards Sovereignty and Governance
Next post Vice Governor Nando Leads Benchmarking Visit to Panabo City