
‘How to Combat Evil Deeds During Ramadhan’ Tinalakay ng MWAGG sa Episode 3 ng Programang Diwa ng Ramadhan, Bahagi ka Muslimah

COTABATO CITY (Ika-14 ng Marso, 2025) — Sa episode 3 ng “Diwa ng Ramadhan, Bahagi ka Muslimah” Talkshow Program ng Mindanao Women Advocacy for Good Governance (MWAGG), katuwang ang Bangsamoro Multimedia Network (BMN) Inc., ay tinalakay nito ang “How to Combat Evil Deeds During Ramadhan”. Ito ay ginanap araw ng Huwebes, ika-3 ng Marso sa BMN Studio, Tamontaka, Cotabato City.
Tinalakay sa online social media program ng mga miyembro ng MWAGG ang mga paraan upang maiwasan ang masasamang gawain sa banal na buwan ng Ramadhan at kung paano mapanatili ang kabanalan at pagninilay sa panahong ito.
Binigyang-diin ni Bai Ashma Guiamadel, isang miyembro ng MWAGG, ang kahalagahan ng pag-iwas sa mga gawain na maaaring makasira sa pag-aayuno.
Ayon dito, “Pedtyakapan nilan, atawka pebparihalan nilan e pwasa nilan sa endaw san a makabatal lon, atawka makagkalat lon…ya temu e itagak nilan su mga dala tapek nin a bityala. Su kapendalmet a dala anggan nin na itagak pan ka matag mapasad e Ramadhan na aniya na nyatanubu nakwa na lugat endu gutem,” wika nito sa Maguindanaon.
Dagdag pa nito, mahalagang gamitin ang panahon ng Ramadhan para sa pagninilay at pagsamba. “Kaped na pananggilan nu mga sahaba kanu dikena pan pwasa, labilawan pan o kawma su pwasa na kalabit sa tila na kaped nin, atawka endu kapandalakita, atawka kandalbot, endu kabudtod,” dagdag nito sa Maguindanaon.
Samantala, sa susunod na episode, tatalakayin naman ang paksang “Mga Alalahanin ng Kababaihan at ang Kanilang mga Tungkulin sa Panahon ng Ramadhan”, kung saan mapapanood ito ng live sa darating na Linggo, ika-16 ng Marso, mula 10:30 hanggang 11:30 ng umaga sa BMN at MWAGG Facebook page. (USM BSIR OJT Student: Bai Onamayda P. Dilanggalen, Melody A. Bantolo, BMN/BangsamoroToday)