
Project TABANG Naghatid ng Ayuda sa Buong Isla ng Basilan, at Sulu

COTABATO CITY (Ika-13 Ng Marso, 2025) — Nagpatuloy ang Project TABANG sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng kanilang ayuda na Alay sa Bangsamoro (ALAB) at Humanitarian for Orphanages, Markads, Elderlies, and with Special Needs (HOMES) Programs. Mula ika-4 hanggang ika-11 ng Marso , namahagi sila ng tig-25 kilong bigas at food packages sa mga benepisyaryo sa buong lalawigan ng Basilan.
Simula pa ngayong taon, nakapagpamahagi na ang Project TABANG ng mahigit 11,000 set ng pagkain at iba pang mahahalagang pangangailangan at patuloy pang dumami. Ang kanilang masigasig na grupo ay nakarating sa 11 bayan at 2 lungsod sa Basilan.
Samantala, Namahagi rin ang Project TABANG ng tig-25 kilong bigas at food packs sa mga dumalong nangangailangan ng tulong na partisipante sa isang Islamic Symposium sa Jolo, Sulu noong ika-11 ng Marso.
Sa pamamagitan ng Project TABANG, patuloy na naipaparamdam ang tunay na malasakit ng Bangsamoro Government sa mga nangangailangan. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)