BHRC Maguindanao Del Norte, Nagsagawa ng Jail Visit para Siguruhin ang Karapatan ng mga PDL

(Litrato mula sa BHRC-BARMM FB Page)

COTABATO CITY (Ika-13 Ng Marso, 2025) — Pinangunahan ni Komisyoner Archie U. Buaya at ng BHRC Maguindanao Del Norte Provincial Office ang pagsasagawa ng jail visits sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa lalawigan. Ang layunin ng mga pagbisitang ito ay upang suriin ang kalagayan ng mga piitan, tiyakin ang karapatan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL), at pag-aralan ang sistema ng pamamahala sa mga kulungan.

Sa isinagawang inspeksyon, sinuri ng grupo ang kalinisan ng mga pasilidad, kondisyon ng kalusugan ng mga PDL, at iba pang aspeto na maaaring mapabuti. Nakita rin nila ang ilang mga bagay na kailangang baguhin upang mapabuti ang kalagayan ng mga nakakulong.

Bilang bahagi ng kanilang adbokasiya sa karapatang pantao at rehabilitasyon, namahagi rin sila ng hygiene kits sa mga PDL. Ang inisyatibong ito ay patunay na kahit nasa loob ng piitan, ang pag-asa at karapatang pantao ay patuloy na dapat ipaglaban. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Abdulraof Macacua’s Appointment Marks New Chapter in Bangsamoro’s Transition
Next post Project TABANG Naghatid ng Ayuda sa Buong Isla ng Basilan, at Sulu