50 Pamilya sa Datu Saudi Ampatuan, Masayang Tinanggap ang Susi ng Kanilang Bagong Bahay mula sa MHSD-BARMM

(Litrato mula sa MHSD-BARMM FB Page)

COTABATO CITY (Ika-5 ng Marso, 2025) — Lubos ang kasiyahan ng 50 pamilya matapos nilang matanggap ang susi ng kanilang bagong bahay sa pamamagitan ng Ministry of Human Settlements and Development (MHSD), ang housing arm ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). 
Ang awarding ceremony ay ginanap noong ika-27 ng Pebrero, sa ilalim ng Housing Resettlement Project sa Barangay Salbu, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur. Kasabay ng pabahay, makakatanggap din ang mga pamilya ng lupa at titulo nito.

Samantala, binigyan diin ni Member of the Parliament (MP) Bassir D. Utto, Alhaj ang kahalagahan ng pagpapasalamat sa mga proyektong naihahatid sa Bangsamoro, hindi lamang sa Maguindanao del Sur kundi sa buong rehiyon at maging sa labas nito, bilang bunga ng jihad.  

“Let us also thank Chief Minister Ahod. B. Ebrahim, whose leadership pushed for these projects to be implemented, and ultimately Allah SWT for allowing us to witness these projects come into fruition,” ani MP Utto.  

Ang proyekto ay naisakatuparan sa ilalim ng pangangasiwa ng MHSD-Maguindanao, sa pamumuno ni Provincial Director Noroden S. Abdullah, RF.  

Upang mapanatili ang kaayusan sa bagong komunidad, itatatag ang Homeowners Association (HOA) sa tulong ng Community Support Services Section ng MHSD Housing and Human Settlement Division, katuwang ang Policy Development, Coordination, and Regulation Division.  

Ang pabahay ay pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act of the Bangsamoro (GAAB) 2022, kung saan bawat unit ay may halagang mahigit PhP700,000.00. May sukat itong 49 square meters, na may dalawang silid-tulugan, isang palikuran, kusina, at sala. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post BIAF-MILF Reinforces Commitment to Humanitarian Principles Through Geneva Call Partnership
Next post 30 Kawani ng MOST Sumailalim sa Pagsasanay ng Values Transformation Training para sa Moral Governance