25 Trainees Nakapagtapos sa Tulong ng Scholarship Training for Employment Program ng MBHTE-TESD

(Litrato mula sa MBHTE-TESD BARMM)

COTABATO CITY (Ika-22 ng Pebrero, 2025) — Isang matagumpay na graduation ceremony ang isinagawa ng Cotabato City Manpower Development Center (CCMDC) noong ika-19 ng Pebrero sa Bangsamoro Government Center, RH7, Cotabato City. Sa okasyong ito, 25 trainees na nagtapos sa kursong Carpentry NC II ang nakatanggap ng kanilang Training Certificates at Training Support Fund (TSF).

Ang programang ito ay bahagi ng Scholarship Training for Employment Program (STEP), na naglalayong mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga trainees upang magkaroon sila ng mas magandang oportunidad sa trabaho.

Pinangunahan ang seremonya ni CCMDC Center Administrator Engr. Moheden R. Saribo, MPA. Dumalo rin si Cotabato City District Office (CCDO) District Head Engr. Rasul K. Datukali, MPA, kasama ang kanyang UTPRAS Focal na si Noraya A. Andong at iba pang opisyal ng CCDO.

Patuloy na magsisikap ang CCMDC at CCDO upang matiyak na matatanggap ng bawat trainee ang kanilang mga benepisyo at mas maraming kababayan ang makinabang sa mga programang pang-edukasyon at pangkabuhayan. (Hasna U. Bacol,BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Bangsamoro Social Protection Plan 2024-2028 Inulansad ng MSSD sa Bangsamoro region 
Next post BARMM Health Minister Sinolinding, Jr. Tinanggap ang Chief Representative ng JICA Philippines