MOA, Nilagdaan ng Tawi-Tawi Prov’l Office, Bangsamoro Youth Commission, at Provincial Jail
COTABATO CITY (Ika-3 ng Pebrero, 2025) — Nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) ng Tawi-Tawi Provincial Office kasama ang Bangsamoro Youth Commission, Tawi-Tawi Provincial Association of Persons with Disabilities (PAPWD), at Tawi-Tawi Provincial Jail noong ika-24 ng Enero sa MBHTE Gymnasium, Bongao, Tawi-tawi. Ang aktibidad ay bahagi ng selebrasyon ng ika-6 na anibersaryo ng Bangsamoro.
Ang seremonya ay pinangunahan ni Maryam S. Nuruddin ng Tawi-Tawi Provincial Director na dinaluhan din ng mga opisyal mula sa mga kasaping organisasyon. Ang layunin ng kasunduan ay ang pagtutulungan ng bawat isa upang magbigay ng Skills Training sa mga miyembro ng kanilang komunidad.
Ang proyektong ito ay naglalayong magbigay ng mga kasanayan sa mga lokal na residente upang mapalakas ang kanilang kabuhayan at mapabuti ang kanilang kalidad ng buhay. (Hasna U. Bacol,BMN/BangsamoroToday)