League of Bangsamoro Organization, Tumanggap ng Multi-Cab mula sa Lokal na Pamahalaan ng Cotabato City
COTABATO CITY (Ika-30 ng Enero, 2025) — Pormal na ipinagkaloob sa League of Bangsamoro Organization (LBO) ang isang multi-cab sa turnover ceremony na ginanap noong ika-28 ng Enero, sa UBJP Headquarters sa Lungsod.
Ang sasakyan ay opisyal na ibinigay ni Mayor Bruce Matabalao, sa pamamagitan ng kanyang representative na si Kapitan Johair Madag, at tinanggap naman ito ni Sheikh Norul Am Abdullah, na kumatawan sa League of Bangsamoro Organization. Dumalo rin sa seremonya ang mga kasapi ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) Cotabato City, bilang pagpapakita ng suporta sa inisyatibang ito.
Ang pagkakaloob ng multi-cab ay bahagi ng patuloy na ugnayan at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga sektor sa Bangsamoro upang mapalakas ang kanilang operasyon at mas mapabuti ang serbisyo para sa komunidad. (Hasna U. Bacol,BMN/BangsamoroToday)