Bagong Rehabilitated Daycare Centers sa Maguindanao del Norte, Itinampok ng MSSD sa 2024 Bangsamoro Children’s Month
COTABATO CITY (Ika-12 ng Disyembre, 2024) — Itinampok ang pagbibigay ng mga bagong rehabilitated daycare centers na dating winasak ng Bagyong Paeng sa apat na barangay ng Simuay Seashore, Boliok, Dagurongan, at Tambo ng Maguindanao del Norte sa selebrasyon ng 2024 Bangsamoro Children’s Month na pinangunahan ng Ministry of Social Services and Development (MSSD).
Ang mga proyektong ito ay sagot ng MSSD sa pangangailangan ng mga komunidad na nasalanta ng bagyong Paeng.
Tiniyak din ng MSSD ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang maayos na kinabukasan ng mga batang Bangsamoro sa pamamagitan ng mga programang nagbigay prayoridad sa edukasyon at proteksyon sa selebrasyon.
Ang kulminasyon ng programa ay may temang “Break the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating a Safe Bangsamoro!” ay ginanap nitong Nobyembre 30, 2024, na kung saan nagbigay-tulong sa 76 na bata mula sa mga daycare learners ng Barangay Simuay Seashore, Sultan Mastura, at mga ulila sa Ribat Orphanage Centre, Cotabato City.
Bilang suporta sa maagang edukasyon ng 33 daycare learners, nakatanggap ito ng school bags at supplies bilang suporta sa kanilang maagang edukasyon.
Samantala, sa Ribat Orphanage Centre naman, 43 na mga ulila ang nakinabang sa mga aktibidad na naglalayong bigyan sila ng mas ligtas na kapaligiran. Namahagi rin ang Bangsamoro Planning and Development Authority (BPDA) ng gamit pang-eskwela, pagkain, at mga sombrero.
Ang Regional Sub-Committee for the Welfare of Children (RSCWC) at ang Regional Juvenile Justice and Welfare Committee (RJJWC) ay nagdaos ng child protection orientation at mga aktibidad na nagpalakas ng kanilang kumpiyansa at mas maprotektahan ang karapatan ng mga bata, tumanggap din ang Ribat Orphanage ng PhP468,000 mula sa MSSD nitong nakaraang taon bilang suporta sa kanilang operasyon.
Ang programa ay aktibong nilahukan ni MSSD Minister Atty. Raissa H. Jajurie, katuwang ang Maguindanao del Norte Provincial Social Welfare Officer Hadja Emma S. Ali, Regional Focal Person for the Child and Youth Welfare Program Johynne Amilyn G. Nasa, MSSD Division Chief of Protective Services Sandra Macacua, Regional Coordinator of the RSCWC – BARMM Aminudin A. Biluddin, RJJWC – BARMM Regional Coordinator Naima Nor, and Social Welfare Officer III Hayanifah Macaangga, regional at provincial personnel.
Muling naipakita ng Bangsamoro Government ang malasakit nito para sa mga bata sa rehiyon. Ito ay bahagi ng kolektibong pagkilos ng mga ahensya tulad ng BPDA, RSCWC, at RJJWC.
Sa pagtatapos ng Bangsamoro Children’s Month, sinigurado ng MSSD na magpapatuloy ang mga programa upang mapanatili ang ligtas at masiglang kinabukasan para sa lahat ng kabataan sa BARMM. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)