SGA LGUs Lumahok sa Voter’s Education cum Bangsamoro Peace Process Update ng BMN
COTABATO CITY (Ika-11 ng Disyembre, 2024) – Ang Bangsamoro Multimedia Network (BMN) Inc., sa pakikipagtulungan ng The Asia Foundation (TAF) sa suporta ng UK Government at British Embassy Manila sa loob ng proyektong Activate Bangsamoro Phase 4, ay nagsagawa ng Voter’s Education cum Peace Process update para sa mga Local Government Units (LGUs) sa Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Isinagawa ang aktibidad kahapon, araw ng Martes, sa USM Auditorium sa Kabacan, Cotabato.
Nagsimula ang programa sa isang Opening and Welcome Address mula kay Dr. Debbie Marie Verzosa, ang Vice President for Research, Development, and Extension ng USM.
Ayon sa kanyang mensahe, “This activity ang isang dahilan na mayroon tayo nito ay para mas maunawan din po ang nalalapit nang eleksyon. Itong university na ito, we welcome this kind of initiative.”
Inihayag din nito ang mensahe ng Presidente ng USM na si Dr. Francisco Gil N. Garcia sa nasabing aktibidad. “Ang USM ay bukas sa ganitong uri ng inisyatiba na kung saan mrami sa atin ang pwedeng mag palitan ng kuru-kuru, making sa isat-isa , makipag ugnayan at mag isip ng mga estratehiya at posibilidad para sa ikabubuti ng marami.”
Sumunod na inilahad ni Faydiyah S. Akmad, Executive Director ng BMN, ang layunin at background ng programa.
Anya, “ang BMN ay isang organisasyon ng binigyang pagkakataon ng The Asia Foundation supported by the UK Government upang isagawa ang ganitong klaeng programa ito po ay isang program na napaka espesyal dahil po bigla hoi tong binigay sa amin na task na isama ang SGA BARMM sa bibigyan namn ng Voter’s Education campaign program.”
Nagbigay naman ng mensahe ng suporta sina Hon. Butch P. Malang, Administrator ng Special Geographic Area Development Authority (SGADA).
“Nakikita ko dito na napaka importante na nasali sa activity na ito is yung voters education, mahalaga kasi ito kasi ngayon pa lang nagkaroon ng election na kagaya na gaganapin, ibig sabihin hindi ito nangyari sa mga previous na election natin dito sa ating area, so dahil doon talagang kailangan natin na mapag aralan ito, then nakikita ko lang dito isa sa mga importante na dapat natin especially addressed ko lang doon sa ating officials.”
“Unang una ma strengthen pa po natin maigi ang ating collaboration, coordination, atsaka ma-enhance pa din po natin ang ating pagpapatakbo sa ating mga munisipyo.
Bihira din na magkaroon ng opportunity na kagaya nito na mag usap-usap, mag kita-kita dahil bawat isa sa atin is sobra ka-busy,” anya pa.
“Sana suportahan natin ang adbokasiya ng ating Chief Minister na tinatawag na Moral Governance at magsama-sama tayo na manalangin kay Allah na lahat ng mga challenges na darating sa ating buhay, darating sa ating leadership, ay ma-overcome nating lahat,” dagdag nito.
Ayon naman kay Engr. Misuari “Jake” Abdullah, ang Project Officer ng TAF sa isinagawang aktibidad, “Nyaba pakalagyan tanu saguna na in response inya sa nailay na The Asia Foundation a gap, nya nin mana na problema sa panun e kadtuntaya na Bangsamoro Government enggu su mga taw, su mga LGU kagina madakel e programa na Bangsamoro Government na aden antu na di ged b’lakayn e kab’mbaba lun na Alhamdulillah samaya na nyatanu initiative na manyaba mga forum na bagenggat’n tanu e mga tagapeda tanu sa Bangsamoro Government ka e-discuss nilan e ngin e mga information a nasisita a makapalangkap nilan sa lekitanu.”
“Aden pan ped a activity Voter’s Education a beg support’an tanu, sinupport’an tanu para makapalangkap tanu e correct a information makapantag sa Parliamentary Election sa mawma anya a mga timpo, di tanu katawan, 2025, 2026, 2027, or 2028 so tuba, again shukran sa kinatalabuk nu,” sabi pa ni Engr. Abdullah.
Sinimulan naman ang Lecture Proper ng aktibidad kung saan tinalakay ni Dr. Rahib L. Kudto, Member ng Third Party Monitoring (TPMT) at President ng United Youth for Peace and Development (UNYPAD), ang mga update tungkol sa Bangsamoro Peace Process from independent perspective.
Nagbigay din ng mensahe si Sir Mac Ramirez, Information Officer ng Education and Information Department ng COMELEC, sa pamamagitan ng isang online teleconferencing at usaping MILG Mandated and Salient points if the Bangsamoro Electoral Code (BEC) naman ang tinalakay ni Dr. Zaiton L. Abas, ang Director ng MILG-SGA Field Office.
Tinalakay naman ni Atty. Magasuga B. Dandamun ng BTA Speakers Bureau ang tungkol sa National, Local, at Bangsamoro Parliamentary Elections, habang ipinresenta ni Sir Abdullah M. Matucan mula sa BIO-OCM BARMM ang mga detalye tungkol sa Halalang Bangsamoro.
Nagpasalamat si Hon. Toto D. Laguialaot, President ng United Moro Chamber of Commerce and Industry, Inc. (UMCCI), sa The Asia Foundation sa kanilang suporta sa nasabing aktibidad at sa BMN sa pag-organisa nito. Pinasalamatan din niya ang mga resource at guest speakers sa pagbibigay ng mahalagang kaalaman tungkol sa Halalan 2025.
“Unang-una, malaking pasasalamat sa The Asia Foundation na kung saan sila po yung nagbigay ng pondo para magamit natin dito sa Voters’ Education, represented by Engr. Misuari “Jake” Abdullah.”
Dagdag pa nito, ” Itong activity na ito ay isang malaking oportunidad para sa Special Geographic Area, bakit? Alam nyo po hindi ito biro, bihira lang itong ginagawa para sa Special Geographic Area, sa mga nag attend alam ko po na punong-puno kayo ng kaalaman pagdating sa halalan o election, o BARMM Election.” (Sahara A. Saban, Hanadz D. Saban, BMN/BangsamoroToday)