
148 Bangsamoro Iskolar, Sumailalim sa Training Induction Program ng MBHTE-TESD Cotabato City District Office

COTABATO CITY (Ika-26 ng Nobyembre, 2024) — Nagsagawa ng Training Induction Program (TIP) ang MBHTE-TESD Cotabato City District Office sa A4 College of Peace and Wisdom, Inc., na dinaluhan ng 148 na iskolar mula sa Bangsamoro Scholarships Program for Free TVET (BSPTVET). Ang programa ay pinondohan mula sa Transitional Development Impact Fund (TDIF) ni MP Hashemi Nur Dilangalen, sa ilalim ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro (TTPB).
Ang mga kwalipikasyong ibinibigay sa mga iskolar ay Agricultural Crops Production NC II, Driving NC II, Masonry NC II ang pinag-aralan ng mga iskolar.
Layunin ng TIP na ipaliwanag ang mga responsibilidad ng mga iskolar at gabayan sila tungkol sa mga alituntunin at benepisyong kasama ng programa. Ang mga benepisyong ito ay kinabibilangan ng dalawang libreng uniporme, PhP180.00 na arawang allowance, National Certificate (NC), at Competency Assessment (CA).
Ang programa ay pinangunahan ni Director General Ruby A. Andong ng MBHTE-TESD Bangsamoro, kasama ang mga opisyal mula sa Cotabato City District Office, kasama any A4 College of Peace and Wisdom President Abdul Aziz A. Ali, at mga kinatawan mula sa tanggapan ni MP Dilangalen.
Samantala, hinikayat ng MBHTE-TESD ang iba pang miyembro ng Bangsamoro Parliament na ilaan ang kanilang TDIF para sa skills training program na ito.
“Hinihikayat ng aming tanggapan ang mga Miyembro ng Parliyamento (MPs) na maglaan ng kanilang Transitional Development Impact Fund (TDIF) o pondo sa MBHTE-TESD upang maraming Bangsamoro, settlers, at Indigenous Peoples (IPs) ang kanilang matulungan sa pamamagitan ng skills training,” panawagan ng MBHTE-TESD.
Sa pamamagitan nito, mas maraming Bangsamoro, settlers, at Indigenous Peoples (IPs) ang makakakuha ng pagkakataong umangat sa buhay sa pamamagitan ng libreng teknikal na edukasyon at pagsasanay. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)