PMFI Nagsagawa ng Halalang Bangsamoro Workshop para sa AB4 Implementing Partners

(Litrato mula sa BMN/BangsamoroToday)

GENERAL SANTOS CITY (Ika-22 ng Nobyembre, 2024) — Nagsagawa ng tatlong araw na pagsasanay ang Probe Media Foundation Inc. (PMFI) na pinamagatang “Halalang Bangsamoro Behind the Screens: Uncovering and Understanding Disinformation and Hate Speech” na ginanap sa Greenleaf Hotel sa General Santos City.

Layunin ng workshop na talakayin ang mga hamon ng disinformation, malinformation, at hate speech bago ang 2025 national, local at BARMM elections.

Ang nasabing programa ay nilahukan ng Civil Society Organizations (CSOs), Media na mula sa Bangsamoro Multimedia Network (BMN), Kutangbato News, DXMS, Bangsamoro Information Office (BIO), Bangsamoro Women Commission (BWC), at ang The Asia Foundation (TAF).

Ang aktibidad na ito ay sinusuportahan ng TAF at ng British Embassy Manila sa ilalim ng Activate Bangsamoro Phase 4 project at personal na dumalo ang Senior Program Officer ng TAF na si Ms. Noraida Chio at Project Officer Engr. Misuari Abdullah.

Sa pagsasanay ay pinalalim ang pang-unawa ng mga kalahok sa kalakaran ng impormasyon sa panahon ng halalan, lalo na tungkol sa mali, mapanlinlang, at hate speech na impormasyon. Pagbigay ng mga konkretong kasangkapan upang matukoy, masuri, at labanan ang disimpormasyon kaugnay ng nalalapit na 2025 BARMM elections.

Magbahagi ng mga pamamaraan para matukoy at matugunan ang hate speech at cyber misogyny na nagta-target sa kababaihan at mga gender-diverse na tao at mag-develop ng mga estratehiya para sa pagpapalaganap ng mga fact-checked at tapat na materyales sa voter education.

Nag-umpisa ang workshop nitong Nobyembre 19 kung saan nagbigay ng Welcome Message si Cheche Lazaro, ang Chair Emeritus ng Probe Media Foundation, Inc. Nagbigay naman ng pananaw si Atty. Helen Graido, ang Policy Consultant ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE), tungkol sa kung paano ibinabahagi at kinokonsumo ang impormasyon ukol sa halalan.

Sumunod na nagbigay ng talakayan si Kyu Kyu Thein, Regional Program Manager, Asia Pacific, Global Response ng Meta sa pamamagitan ng Online Zoom, patungkol sa Pagprotekta sa Integridad ng Midterm Elections sa Pilipinas.

Tinalakay naman ni Yas Ocampo, Multimedia Journalist at Social Media Manager mula sa MindaNews, kung paano malalaman ang totoo at pekeng impormasyon sa online platforms at sinundan naman ito ni Sarah Jane Asis, ang Information Officer III ng COMELEC ang tungkol sa patakaran, gabay, at pamantayan ng COMELEC ukol sa misinformation at paggamit ng AI sa campaign.

Sa ikalawang araw, pinangunahan ni Ocampo ang isang sesyon tungkol sa mga hakbang upang labanan ang disimpormasyon, habang tinalakay ni Prof. Najifah P. Macaraya, JD, isang propesor sa Mindanao State University, ang mga paraan para labanan ang online misogyny at hate speech.

Sa huling araw, Nobyembre 21, nagkaroon ng talk show kung saan ang mga kababaihan na nakaranas ng online violence ay nagbahagi ng kanilang mga kwento at kung paano nila nahanap ang komunidad at pagkakaisa upang labanan ang hate speech.

Nagbigay din sila ng mga simpleng tips kung paano protektahan ang kalusugan ng kaisipan at emosyon sa gitna ng mga hamon. Nagsagawa rin ng group activity ang mga kalahok upang magbigay ng mga solusyon at estratehiya laban sa disimpormasyon at hate speech sa kanilang mga komunidad. (Sahara A. Saban, Mohamiden G. Solaiman, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MSSD, Binigyan ng mga Kagamitang Pangkabuhayan ang Pamilya sa Nabalawag, SGA na Apektado ng Bagyo
Next post Mahigit 40 MILF members sa Camp Rajah Muda Mag-apply ng Amnestiya