Project TABANG, Naghatid ng Tulong sa mga Pamilyang Nasunugan sa Parang, Maguindanao del Norte

(Litrato mula saTulong Alay sa Bangsamorong NangangailanganFacebook Page)

COTABATO CITY (Ika-25 ng Oktubre, 2024) — Ang Project TABANG, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Barangay Poblacion 2, Parang, Maguindanao del Norte ay nagbigay ng agarang ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog na naganap noong Miyerkules ika-23 Oktubre sa Sitio Talitay Street, Barangay Poblacion 2 ng nasabing bayan.

Sa isinagawang pamamahagi noong Huwebes, 24 Oktubre 2024, tumanggap ang mga biktima ng sunog ng tig-25 kilong bigas, food packs, hygiene kits, kitchenware, emergency shelter kits, at iba’t ibang uri ng groceries. Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Bangsamoro Government sa ilalim ng Project TABANG na magbigay ng suporta at kaginhawaan sa mga residente ng rehiyon, lalo na sa mga naapektuhan ng sakuna.

Layunin ng Project TABANG na matiyak na ang bawat pamilyang nawalan ng tirahan at kabuhayan dahil sa sunog ay magkaroon ng sapat na tulong upang makabangon.

Ang nasabing pamamahagi ng tulong ay isang malinaw na nagpapakita ng pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga komunidad, na layong isulong ang mas maayos na pamumuhay sa Bangsamoro.

Samantala, Noong Miyerkules, ika-23 ng Oktubre matagumpay na naisagawa ng Project TABANG ang turnover ng mga gamot sa Rural Health Unit (RHU) ng bayan ng Datu Abdullah Sangki (DAS). Ang mga gamot ay pormal na tinanggap ni Dr. Jordan Karon, opisyal ng RHU. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MILG Pinangunahan ang Barangay Assembly Day sa Nabundas, Itinaguyod ang Grassroots Governance
Next post BARMM Senior Minister Maslamama, Pinangunahan ang Conflict at Stress Management Training para sa mga Kawani ng OCM