UBJP Candidates ng Lanao del Sur, Pormal nang Nagsumite ng COC para sa 2025 Elections

(Litrato mula sa UBJP Regional Headquarters)

COTABATO CITY (Ika-9 ng Oktubre, 2024) — Pormal nang naisumite ng mga opisyal na kandidato ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) mula sa Lanao del Sur ang kanilang mga Certificate of Candidacy (COC) kahapon ika-8 ng Oktubre, bilang paghahanda para sa nalalapit na 2025 elections.

Pinangunahan ni Rolan Abdul Rashid “Fiat” A. Macarambon ang nasabing pagsumite ng COC, bilang kandidato para sa pagka-Gobernador ng lalawigan. Kasama niya si Marjanie S. M. Macasalong, ang magiging running mate na tumatakbo bilang Bise-Gobernador.

Kabilang din sa mga naghain ng kanilang COC si Atty. Paisalin Tago, na kakatawan sa UBJP bilang kanilang kandidato para sa posisyon ng kongresista. Sumama rin ang mga kandidato para sa Provincial Board, pati na rin ang mga kumakandidato sa iba’t ibang lokal na posisyon gaya ng mga Alkalde, Bise-Alkalde, at mga Konsehal mula sa iba’t ibang munisipalidad ng Lanao del Sur.

(Litrato mula sa UBJP Regional Headquarters)

Upang ipakita ang buong suporta ng mga taga Lanao del Sur sa UBJP, isang malaking caravan at parada ang isinagawa kung saan daan-daang sasakyan ang sumama, bitbit ang mga bandila ng UBJP, BARMM at mga mensahe ng pagbabago at pag-asa para sa kinabukasan ng lalawigan. Ang makulay na aktibidad na ito ay sumasalamin sa malakas na suporta ng masa sa mga kandidato ng partido at sa kanilang mga adbokasiya.

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat sina Macarambon at Macasalong sa kanilang mga taga-suporta, at binigyang-diin ang kanilang hangarin na maghatid ng tunay na pagbabago at pagkakaisa sa Lanao del Sur.

Ayon sa kanila, pangunahing layunin ng kanilang plataporma ang pagpapabuti ng serbisyo publiko at pagsulong ng kapakanan ng mga komunidad sa lalawigan, lalo na ang mga nasa pinakamahihirap na sektor. (Hasna U. Bacol,BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Bangsamoro Learner sa Notre Dame Siena College of Tacurong kinilala ng MBHTE ang kanyang Painting
Next post PNP at BARMM, Nagkaisa para sa Matibay na Kooperasyon at Kapayapaan sa Rehiyon