UBJP, Una sa Listahan ng Akreditasyon ng COMELEC Bilang Regional Parliamentary Political Party sa BARMM

UBJP President Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim at ang kanyang mga kasama sa partido na naghain ng petition for registration at akreditasyon sa Commission on Elections sa Metro Manila. (Litrato mula sa UBJP Regional Headquarters)

COTABATO CITY (Ika-3 ng Oktubre, 2024) — Matagumpay na natanggap ang akreditasyon ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) mula sa Commission on Elections (COMELEC) bilang isang Regional Parliamentary Political Party (RPPP). Ang makasaysayang pangyayaring ito ay nagbigay-daan sa UBJP na lumahok sa paparating na BARMM parliamentary elections sa 2025, ito ay naganap noong ika-1 ng Oktubre.

Ayon sa pahayag ng COMELEC, ang UBJP ang unang partido na nakamit ang kanilang petition for registration at akreditasyon. Ipinahayag ng UBJP ang kanilang kasiyahan sa mahalagang tagumpay na ito, na nagpapatibay ng kanilang dedikasyon na mangunguna din sa gaganaping eleksyon sa BARMM.

Sa pahayag ng UBJP, mismong si UBJP President Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim ang nagsumite ng kanyang Sworn Statement sa Commission on Elections (COMELEC) bilang bahagi ng paghahanda ng partido para sa pag-file ng Certificates of Nomination and Acceptance (CONA) ng kanilang mga party bearers sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Grupo ni UBJP Party President Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim na masayang nagpakuha ng litrato matapos ang matagumpay na petition for registration at akreditasyon sa COMELEC Office. (Litrato mula sa UBJP Regional Headquarters)

Sa kasalukuyan, ang UBJP ay abala sa paghahanda ng mga aktibidad at opisyal na kampanya para sa 2025 elections. Layunin nilang ipakita ang kanilang sinseridad sa pagbuo ng mas nagkakaisang, mapayapa, at progresibong pamahalaan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa pagtanggap ng akreditasyon, ayon pa sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) UBJP political party, ay inaasahan na nila na mas mapapalakas ang kanilang plataporma at maipahayag ang kanilang mga layunin sa mga mamamayan ng rehiyon.

Samantala, sa nakuhang impormasyon ng BMN/BangsamoroToday ay nakatakdang maghain ng Certificate of Candidacy ang grupo ng UBJP sa Cotabato City sa pangunguna ng kasalukuyang Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao ngayong araw ng Sabado, ika-5 ng Oktubre sa COMELEC dito sa Bangsamoro Government Center (BGC) Compuond ng Lungsod ng Cotabato. (Hasna U. Bacol at Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MOST BARMM-PSTC Maguindanao, Ibinigay sa Benepisyaryo ang Production Area at Pasilidad para sa MSMEs sa Maguindanao Del Sur at Del Norte
Next post Office for Other Bangsamoro Communities, Nagsagawa ng Mid-Year Assessment at Technical Writing Workshop sa Kidapawan City