MOST-PSTC Maguindanao, Nakiisa sa Programa ng BARMM para sa Kapakanan ng Bangsamoro sa loob na mga Kampo
COTABATO CITY (Ika-24 ng Setyembre, 2024)— Ang MOST- PSTC Maguindanao, sa pangunguna ni Naut Usman, ay nakilahok sa inisyatibong “Engaging BARMM for Community Services in the Camps” na ginanap sa Barangay Tuayan, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur.
Ayon pan sa MOST, Ang layunin ng kaganapang ito ay itaguyod ang kapakanan ng mga komunidad sa rehiyon.
Ibinahagi ni Usman ang komprehensibong serbisyo ng Ministry, kabilang ang mga oportunidad sa scholarship, upang palakasin ang kakayahan ng mga lokal na residente.
Ang kaganapan, ay pinangunahan ng Bangsamoro Development Agency (BDA), Kasama ang iba’t ibang stakeholder mula sa iba’t ibang ministeryo ng BARMM, Bangsamoro Tabang, UNDP, at Joint Task Force on Camp Transformation (JTFCT).
Ang pagtutulungan na ito ay nagpapakita ng sama-samang pangako sa napapanatiling kaunlaran at pagpapabuti ng kalidad ng buhay para sa mga komunidad sa buong BARMM. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)