Gob Sam Macacua Dumalo sa Turn-over Ceremony ng Bagong Pilipinas Mobile Clinics sa Manila

(Litrato mula Province of Maguindanao del Norte)

COTABATO CITY (Ika-23 ng Setyembre, 2024)— Dumalo si Gobernador Abdulraof “Gob Sam” Macacua sa isinagawang “Turn-over Ceremony ng Bagong Pilipinas Mobile Clinics sa 28 Probinsya” sa Manila North Harbor Point, Lungsod ng Maynila noong ika-20 ng Setyembre.

Ang mga Bagong Pilipinas mobile clinics ay bahagi ng pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA), kung saan nangako siyang maglalaan ng mga mobile primary care clinics sa bawat probinsya upang mapalawak ang serbisyong pangkalusugan, lalo na para sa mga naninirahan sa malalayong lugar.

Sa naturang seremonya, personal na ipinamahagi ni Pangulong Marcos ang mga deed of donations sa 28 probinsyang benepisyaryo.

Isa ang Maguindanao del Norte sa mga probinsyang nabigyan ng mobile clinic. Ang mga clinic na ito ay magbibigay ng libreng serbisyong medikal tulad ng X-ray, ultrasound, at blood screening para sa mga residente. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MSSD Namahagi ng Honorarium sa Child Development Workers ng Lanao del Sur at Home Visitation para sa mga Benepisyaryo ng Unlad Program sa Maguindanao del Sur
Next post DEMOCRACY IS THE NEXT PATH: OUR TRANSFORMATION FROM AN ARMED REVOLUTIONARY ORGANIZATION TO A SOCIAL MOVEMENT