MBHTE Nakatanggap ng Tatlong Bus para sa mga Mag-aaral ng BARMM
COTABATO CITY (Ika-19 ng Setyembre, 2024)— Isinagawa ang seremonya ng turnover nitong Martes, ika-17 ng Setyembre ang tatlong (3) school bus na ipinagkaloob ng Archon Machineries sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ang mga bus na ito ay pinondohan sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act.
Ang simbolikong susi ng mga bus ay tinanggap ni MBHTE Minister Mohagher M. Iqbal, na binigyang-diin na ang pagkakaroon ng mga sasakyang ito ay higit pa sa simpleng pagbili ng mga kagamitan ay isang hakbang upang matiyak ang mabilis, mahusay, at epektibong tug on sa pangangailangan ng mga mag-aaral ng rehiyon.
Ayon sa social media post ng MBHTE, bawat bus ay may kapasidad na 40-70 na mag-aaral at may seating capacity na 20-30 katao.
Ayon kay Minister Iqbal, ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na suporta ng MBHTE sa edukasyon ng mga Bangsamoro, upang masigurong walang mag-aaral ang mapag-iiwanan.
Dagdag pa rito, Binigyang-diin ni Minister Iqbal na ang probisyon ng mga bus na ito ay higit pa sa pagkuha ng mga sasakyan at ito ay isang pamumuhunan sa kakayahang tumugon nang mabilis, mahusay, at epektibo sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral.
Ang mga bus na ito ay inaasahang magpapagaan sa araw-araw na pagpasok ng mga mag-aaral sa kani-kanilang mga paaralan, lalo na sa mga liblib na lugar ng BARMM. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)