Comparative Learning Exchange sa Bangsamoro Peace Process, Tagumpay na Idinaos sa BARMM

(Litrato mula sa MBHTE-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-30 ng Agosto, 2024) — Sa tanggapan ng Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) naganap araw ng Martes, ika-27 ng Agosto ang mahalagang Comparative Learning Exchange tungkol sa Bangsamoro Peace Process.

Ang kaganapan ay dinaluhan ng mga opisyal mula sa Papua New Guinea at Bougainvillea kasama ang mga opisyales ng BARMM na pinangunahan ni Minister Mohagher Iqbal, kumakatawan kay Chief Minister Ahod Ebrahim ang pagpupulong habang ang Punong Ministro ay nasa Yaoundé, Republic of Cameron para sa Organisation of Islamic Council of Foreign Affairs meeting.

Ayon sa karagdagang nakalap na impormasyon ng BMN/BangsamoroTaoday, habang nasa official trip at pagpupulong si Chief Minister ay itinalalaga nito si Senior Minister Abunawas “Von Al-Haq” Maslamama bilang Officer-In-Charge sa Office of the Chief Minister – BARMM mula ika-26 Agosto hanggang ika-1 ng Setyembre 2024 batay sa OCM Special Order No. 353.

Samantala, ang Comparative Learning Exchange ay binigyang-diin dito ang isang mahalagang hakbang tungo sa mas malalim na pang-unawa at pagpapalitan ng mga natutunan mula sa Bangsamoro peace process. Ayon kay Minister Iqbal, ang mga kaalaman at karanasan ay magpapatatag sa relasyon at pagtutulungan ng mga bansa.

Ipinahayag ng lahat ng partisipante ang kanilang pag-asa sa isang kinabukasang puno ng kaunlaran at patuloy na pakikipag-ugnayan para sa mas malawak na tagumpay lalo na ang Bangsamoro peace process sa Pilipinas. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Bangsamoro Human Rights Commission at National Amnesty Commission, Lumagda ng MOA para sa Amnesty Program sa Bangsamoro
Next post MSSD tuloy-tuloy ang Kalinga para sa may Kapansanan