Project SALAM Officers Meeting, Pinangunahan ni Senior Minister Von Al-Haq, Upang Palakasin ang Operasyon at Koordinasyon ng Proyekto
COTABATO CITY (Ika-26 ng Agosto, 2024) — Pinangunahan ni BARMM Senior Minister Abunawas “Von Al-Haq” L. Maslamama na kasalukuyang project manager din ng Project SALAM upang talakayin ang proyekto na dinaluhan ng mga opisyal ng project SALAM, Base Commanders, at mga Chairman ng Provincial Committee na ginanap sa Alnor Convention Hall, Cotabato City noong ika-21 ng Agosto.
Pangunahing tinalakay sa pagpupulong ay ang pagbuwag sa mga kasalukuyang focal persons at mag-appoint ng bagong Base Salam Community Coordinators bilang kapalit. Layunin nito na mapadali ang operasyon at mapalakas ang pagpapatupad ng proyekto sa komunidad.
Binigyang-diin ni Senior Minister Maslamama ang kahalagahan ng mga bagong itinalagang Coordinators na dating mga focal persons, lalo na sa pagpapanatili ng maayos na koordinasyon sa pagitan ng kanilang mga commanders at ng opisina ng Project Manager ng SALAM. Inaasahan na sa pamamagitan ng reorganisasyon na ito ay mapapabuti ang kahusayan at pananagutan sa operasyon ng proyekto.
Binigyan ng pagkakataon ang mga opisyal mula sa bawat Base Command, Political Committee, at yunit na magmungkahi ng kanilang nais na Community Coordinator. Ang inklusibong pamamaraan na ito ay naglalayong tiyakin na ang bawat coordinator ay direktang mananagot sa kanilang mga yunit, na magpapataas at magiging epektibo sa pagpapatupad ng buong proyekto.
Dumalo sa pagpupulong ang mga sumusunod na commanders at chairpersons na sina Suaib A. Edris (Commander, 113 Base Command),Dan S. Asnawie (Commander, 114th Base Command), Imran A. Al Alsura (Commander, 115th Base Command), Yashier A. Talib (Commander, 117th Base Command), Radzhadin A. Ahang (Chairman, Sama Bongao), Abdulrackman A. Datu Dakula (Chairman, Tawi-Tawi Province),Naguib Mantolino (Chairman, Zamboanga Del Sur), Imlah A. Ajibon (Chairman, Zamboanga City), Sabtal G. Aman (Chairman, Southern Sulu), Sahiruddin Salilis (Chairman, Northern Sulu), Zesar H. Alil (Chairman, Central Sulu), Faiz S. Alauddin (Chairman, Basilan), Malik Cadil (Front Commander, Base Command), Saidel Del Cruz (Chairman, Davao Del Sur), Mokhaledyn Aranaid (Chairman, Davao Del Norte), Muhajer Gawan (Chairman, Davao), Rooy Lopez/Noriel G. Binocal (Chairman, Eastern Davao).
Samantala, nanatiling nakatuon ang Project Salam Bangsamoro Office sa pagpapalawig sa layunin ng Bangsamoro Government, sa ilalim ni Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim na ilapit ang pamahalaan sa mamamayan at tiyakin na ang mga benepisyo ng proyekto ay maipapamahagi ng maayos sa mga komunidad na nangangailangan ng tulong. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)