BARMM Gov’t., MSSD nagpaabot ng tulong sa indigent families ng Munai, Lanao del Norte
COTABATO CITY (Ika-24 ng Agosto, 2024) — Bilang bahagi ng BARMM convergence activity “Tabang Bangsamoro sa Munai,” ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ay nagpaabot ng 1,000 family food packs at hygiene kits sa indigent families sa Camp Bilal, Sitio Kora-Kora, Barangay Tamparan, Munai, nitong ika-17 ng Agosto.
Ang programa ay inorganisa ng Office of the Chief Minister’s Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan (TABANG) Project sa pakikipagtulungan ng ibat’ ibang BARMM line agencies, na layuning mapalakas ang pag-abot ng Pamahalaang Bangsamoro sa mga lugar sa labas ng Bangsamoro region.
Ayon sa MSSD, nakatanggap ng 25 kilograms ng bigas, grocery items, at hygiene kits ang indigent families ng Munai sa Lanao del Norte.
Sa mensahe ni Chief Minister Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim ay tiniyak nito ang tulong ng Pamahalaang Bangsamoro sa mga komunidad ng BARMM at sa labas ng rehiyon na may mga Bangsamoro ding naninirahan, “As long as BARMM exists, our services will continue for everyone, including the Bangsamoro communities outside BARMM.”
Sa tatlong araw na aktibidad ng convergence, ang iba’t ibang ministries at opisina ng BARMM ay makikitang mas pinalawak pa ang mga programa at serbisyo para sa Bangsamoro. Ang mga pangunahing opisyal ng Gobyernong Bangsamoro ay pumunta sa lugar na pinagdausan ng programa upang direktang mapangasiwaan ang pamamahagi at paghahatid ng mga serbisyo. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)