MOST Nanguna sa Teknolohiya Fora Caravan sa Probinsya ng Sulu

(Litrato mula sa MOST-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-23 ng Agosto, 2024) — Nagsagawa ng isang Technology Fora Caravan ang Ministry of Science and Technology (MOST) ng Bangsamoro Government sa bayan ng Parang, Sulu noong ika-16 hanggang ika-17 ng Agosto.

Layunin ng nasabing aktibidad na isulong at palakasin ang lokal na industriya ng handwoven textiles sa Parang bilang kauna-unahang nakipagtulabgan sa Department of Science and Technology – Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI). Ang ugnayang ito ay isang hakbang para sa komunidad na ito at layong mag-develop ng mga teknolohiya at proseso sa paggawa ng tela.

Ang TechnoFora Caravan, na idinisenyo upang ipakilala ang mga makabagong teknolohiya sa mga posibleng gumamit nito, ay dinala sa Sulu bilang bahagi ng outreach program. Nagsimula ang unang araw sa isang dayalogo sa pagitan ng mga pangunahing stakeholder, kabilang ang mga kinatawan mula sa MOST na pinangunahan ni Monawara Abdulbadie, Chief Science Research Specialist ng Science and Technology Services Division, at ang team ng DOST-PTRI na pinamunuan ni Evangeline Manalang, Supervising Science Research Specialist ng Technology Transfer, Information, and Promotion Section.

Ang Pamahalaang Bayan ng Parang ay kinatawan ni Municipal Administrator Abubakar Loong Jr., habang ang Barangay Guimba Lagasan ay kinatawan ni Barangay Treasurer Misba Abdulkadil na dumalo sa programa. Lumahok din ang mga miyembro ng faculty mula sa Sulu State College (SSC) at Mindanao State University – Sulu (MSU-Sulu), kasama ang Guimba Lagasan Hoblon Weavers Association na pinamumunuan ng kanilang presidente na si Nohana Moh. Hasim.

Sa forum, ipinahayag ng MOST ang kanilang dedikasyon na palakasin ang industriya ng paghahabi sa Parang sa pamamagitan ng inisyatibong ito. Inilahad ng DOST-PTRI ang kanilang mga umiiral na programa at serbisyo na may kinalaman sa produksyon ng tela at binigyang-diin ang mga potensyal na ventures para sa lokal na komunidad.

Muling ipinahayag ng SSC at MSU-Sulu ang kanilang dedikasyon na mapabuti ang kabuhayan ng komunidad sa pamamagitan ng research and development. Tinalakay ng Guimba Lagasan Hoblon Weavers Association ang kanilang mga kinakaharap na hamon sa pagpapabuti ng kanilang sining, habang binigyang-diin ni Barangay Treasurer Abdulkadil ang kahalagahan ng pagpapanatili ng tradisyonal na Tausug weaving practices.

Muling tiniyak ni Municipal Administrator Abubakar Loong Jr. ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan para sa sektor ng paghahabi.

Sa ikalawang araw, nakatuon ang mga talakayan sa mga partikular na oportunidad para sa komunidad. Inilahad ni Ms. Cheryl Lopez mula sa DOST-PTRI’s Silk Research and Innovation Center sa Misamis Oriental ang mga posibilidad ng sericulture sa rehiyon ng BARMM, at binigyang-diin ang pangangailangan para sa mas maraming silk producers upang matugunan ang pambansang demand.

Ipinakilala naman ni Mr. Anghel Uldo mula sa Technology Transfer, Information, and Promotion Section ng DOST-PTRI ang mga technology-based livelihood funding opportunities at tinalakay ang mga umiiral na teknolohiya na maaaring makinabang ang mga weavers ng Guimba Lagasan. Kilala ang barangay na ito sa paggawa ng tradisyonal na Tausug Pis Syabit, isang makulay at geometric na tela na may malalim na kultural na kahulugan at patuloy na pangunahing produkto ng komunidad.

Nagtapos ang event sa pagbisita ng mga officials mula sa MOST, DOST-PTRI, at SSC sa Guimba Lagasan weaving center upang suriin ang kasalukuyang kalagayan ng industriya at matukoy ang mga teknolohiyang maaaring makatulong upang mapabuti ang kanilang operasyon.

Inaasahang magsisilbing daan ang groundbreaking na pakikipagtulungan na ito sa pagitan ng MOST at DOST-PTRI para sa pagsulong ng tradisyonal na paghahabi, hindi lamang sa Sulu kundi sa buong rehiyon ng BARMM, na kilala sa mayamang tradisyon sa handwoven fabrics. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post PLGU ng MDN Namahagi ng “Bigas Handog ni Gob Sam” para sa mga dating MILF Combatants at Residente sa Lalawigan
Next post Dalawang Bangsamoro, Topnotchers ng CPA Licensure Exam