MSSD Nagbigay ng Assistive Devices sa 8 Indigent PWDs sa South Ubian, Tawi-Tawi
COTABATO CITY (Ika-16 ng Agosto, 2024) — Upang mapabuti ang kalagayan ng mga indibidwal na may kapansanan, ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ay nagbigay ng assistive devices para sa walong (8) indigent person with disabilities (PWDs) nitong ika-13 ng Agosto, sa bayan ng South Ubian, Tawi-Tawi. Ang distribusyon ay pinangunahan ng Tawi-Tawi Provincial Field Office at ng South Ubian Municipal Social Welfare Office.
Ang assistive devices na ipinamigay ay tatlong (3) walker cane, tatlong (3) wheelchair, at dalawang (2) quad cane. Ang inisyatibang ito ay bahagi ng pangako ng MSSD na tulungan ang mga PWDs sa rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Salha A. Jimmy, Municipal Social Welfare Officer ng South Ubian, na ang layunin ng hakbang na ito ay hindi lamang magbigay ng materyal na suporta kundi pati na rin bigyang lakas ang mga PWD at kilalanin ang kanilang kahalagahan sa lipunan.
“These assistive devices will not only serve as physical support but will also be a source of empowerment, fostering their inclusion in society and enhancing their overall well-being,” ani Jimmy.
Ayon sa impormasyon, ang programa ng MSSD na ito ay para sa mga matatanda at may kapansanan, sinuri ang mga benepisyaryo upang matukoy ang kanilang partikular na pangangailangan. Tinitiyak din nito na ang mga ibinibigay na kagamitan ay makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na buhay. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)