180 Former Combatants sa Maguindanao del Norte, Nabigyan ng PhP50K Pangkabuhayan

(Litrato mula sa Province of Maguindanao del Norte Facebook page)

COTABATO CITY (Ika-15 ng Agosto, 2024) — Matagumpay na naipamahagi ng pamahalaan ng Maguindanao del Norte ang tulong bilang suportang pangkabuhayan sa mga dating combatants sa lalawigan noong ika-12 ng Agosto.

Ang tulong pangkabuhayan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) former combatants ay bahagi ng usapang pangkapayapaan sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga miyembro ng MILF na dating nakipaglaban para sa karapatan sa sariling pagpapasya o RSD laban sa pamahalaan.

Nakatanggap ng 50,000 pesos bawat isa, ang 180 miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) ng MILF, “bilang programang pangkabuhayan ng gobyerno na naglalayong mapabuti at pang-ekonomiyang kalagayan at matugunan ang seguridad sa pagkain,” ayon pa sa impormasyon mula sa lalawigan ng Maguindanao del Norte.

Agon kay Provincial Administrator Tomanda Antok, PhD, na mahalga ang pagpapalakas ng samahan bilang susi sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon ng Bangsamoro. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MBHTE nagsagawa ng Turn-Over Ceremony ng Bagong Paaralan at Groundbreaking ng Training Center sa BARMM
Next post MSSD Nagbigay ng Assistive Devices sa 8 Indigent PWDs sa South Ubian, Tawi-Tawi