123 Trainees, Matagumpay naisasagawa ang Pagsasanay sa Ilalim ng STEP Program sa Maguindanao del Norte
COTABATO CITY (Ika-13 ng Agosto, 2024) — Matagumpay na naisagawa ang Training Induction Program (TIP) sa ilalim ng Special Training for Employment Program (STEP) noong ika-7 ng Agosto sa Narciso Ramos Highway, Poblacion Parang, Maguindanao del Norte. Ang TIP ay isang mahalagang hakbang upang ihanda ang mga trainees sa kanilang pagsasanay at gawing mas epektibo ang kanilang pagkatuto.
Sa kabuuan, 123 trainees ang mapalad na napili para sa pagsasanay sa tatlong pangunahing kwalipikasyon kabilang ang Electric Installation Maintenance NC-II, Cookery NC-II, at Masonry NC-II. Ang mga kursong ito ay magbibigay sa kanila ng kinakailangang kasanayan upang magtagumpay sa hinaharap na mga oportunidad sa trabaho.
Kasama sa mga benepisyong matatanggap ng mga trainees ay ang libreng pagsasanay, libreng assessment, at training support fund. Ang mga ito ay nakalaan upang bigyan sila ng sapat na suporta sa kanilang mga pangarap.
Layunin ng TIP na mabigyan ng malinaw na gabay ang mga trainees tungkol sa kanilang pagsasanay at ipaliwanag ang mga benepisyong makukuha sa programa. Sa pamamagitan nito, mas napalakas ang trainees sa kanilang determinasyon at paghahanda para sa darating na mga hamon at tagumpay. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)