15 OJT ng MSU-Maguindanao ABIS Students, Masaya at Malungkot na Nagpaalam sa BMN

(Litrato ng BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-11 ng Agosto, 2024) — Sa pangunguna ni Faydiyah S. Akmad, ang Executive Director ng Bangsamoro Multimedia Network (BMN) Inc. ay matagumpay na naisagawa ang Exit Program ng labing-limang (15) On-the-Job Training Students ng AB Islamic Studies major in Shariah mula sa Mindanao State University (MSU)- Maguindanao, sa pamamagitan ng Talkshow Program nito noong araw ng Biyerne, ika-2 ng Agosto.

Ang nasabing programa ay dinaluhan ng Dean ng College of Arts and Sciences na si Badrudin K. Abdul, PhD, ang OJT Coordinator na si Abdulmawla U. Mantawil, at ang Faculty Member ng Islamic Studies na si Asrab B. Mokamad.

“Unang-una madaling makahanap ng trabaho kasi marunong mag sulat, marunong mag communicate. So importante masyado yan na yung tamang communication, makita ng agency kung san sila mag-aply marunong ito, kailangan natin ito. E susurvey yung mga agency dito kailangan nila yung mga young people na marunong sa multimedia especially sa government,” pahayag ni Dr. Abdul, sa positive impact na nakuha ng OJT Students sa learning development na naibahagi ng BMN.

Dagdag pa nito, “Nagpapasalamat kami sa BMN kasi nagkaroon ng additional knowledge yung mga estudyante namin na maging baon nila sa future career nila. Importante po masyado yung training na nakuha nila sa institution na ito sa BMN.”

Ayon naman kay Norhainie S. Saliao, isa sa mga OJT students ng MSU-Maguindanao, “Ngayong matatapos na po ang aming OJT is sobrang saya po namin mixed emotional kasi sa loob ng almost 2 months na pamamalagi namin dito sa BMN is masasabi ko na isang pamilya na kami dito, so masaya kami kasi sa wakas matatapos na yung OJT namin at makakabalik na kami sa aming institusyon, masaya ako dahil isa ako sa mga napili na maging trainee ng BMN so laking pasasalamat ko po kasi ang daming learnings at improvements na naibahagi ng aming Executive Director at kanyang mga staff.”

“Yung learning development po namin is sobrang napakalaking development namin from mahiyain is naging kaya na namin magsalita sa harap ng maraming tao po so dahil po yan sa training na ibinigay sa amin ng BMN po,” dagdag pa nito.

“Sinabihan natin sila that one of this days after ninyong gumraduate if you wanted to be part of BMN because sa panahon ngayon we need much more numbers of communicators dahil hindi pa natatapos dito yung laban ng struggle ng Bangsamoro, kung ano ang meron ngayon sa BARMM Government na pinanghahawakan ng mga leaders ng Bangsamoro ay nagsisimula pa lang ito,” pahayag naman ni BMN Executive Director Akmad,

“Nagsisimula pa lang yung battle of minds, yung digital battle na nangyayari ngayon sa Bangsamoro para ipalaganap yung mga totoong istorya at ma-counter natin yung mga falsehood information, so sana in the future makasama natin sila kasi we are already develop the first part or the first level of development na naibigay natin sa kanila,” pagbibigay diin ni Akmad. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MOLE-BARMM Nagbigay ng PhP20K Tulong at Livelihood Training sa 59 Returning OBWs
Next post BTA Committee on Basic, Higher and Technical Education nagsagawa ng Learning Visit at Benchmarking sa Senado