PhP1.2 Bilyon halaga ng Imprastruktura, itatayo sa Lanao del Sur
COTABATO CITY (Ika-7 ng Agosto, 2024) — Matagumpay na naisagawa ang mass MOA signing na nagbigay daan upang masimulan ang proyektong imprastraktura na nagkakahalaga ng PhP1,212,426,600.00 sa second district ng Lanao del Sur noong ika-2 ng Agosto, 2024 kasama dito ang konstruksyon at rehabilitasyon ng mga kalsada, tulay, sistema ng suplay ng tubig at iba pang kailangan ng komunidad.
Layunin ng Bangsamoro Government na mapabuti ang access ng komunidad at mapaunlad ang socio-economic ng rehiyon. Ayon kay Maldamin Decampong, MPW-2nd DEO Provincial Engineer na ang ministry ay committed upang matiyak na nasusunod ang kalidad at takdang oras sa pagtatapos ng proyekto.
“I am reminding everybody that as stated in the contract, we are committed to overseeing the projects to make sure that the infrastructures meet the quality standards and the time frame allocated for each project,” ani ni Decampong
Ayon naman kay Sambitory Dimaporo ng Unayan Builders and Construction Supply at kinakailangang magkita upang suportahan ang Bangsamoro government, “Let us be united in supporting the BARMM and MPW in accomplishing these projects awarded to us.”
Sinabi ni Decampong na ito na ang huling mass MOA signing ceremony para sa taon na ito. Lahat ng proyekto ay matagumpay na naipagkaloob sa iba’t-ibang kontraktor at ang mga nagsimula na ng konstruksyon ay patuloy na mino-monitor. Bago ito, isang contract signing ceremony ang naganap noong Hunyo 6, 2024 para simulan ang mga proyekto sa ilalim ng Special Development Fund (SDF) ng FY 2022 at Transitional Development Impact Fund (TDIF) ng FY 2022-2023. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)