Pangulong Marcos Jr. Iniutos ang Pagmamadali ng mga Hakbang para sa Awtonomiya ng BARMM
COTABATO CITY (Ika-31 ng Hulyo, 2024) —Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Budget and Management (DBM) na pabilisin ang paggawa ng mga mekanismo upang mapabilis ang awtonomiya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Tinukoy ng Pangulo ang Intergovernmental Relations Body (IGRB) Manual of Operations na mahalaga upang masiguro ang tulong mula sa pambansang pamahalaan patungo sa BARMM.
“With the forthcoming elections, I urge the Department of Budget and Management Secretary and Co-Chair of the IGRB to expedite the finalization of the IGRB manual of operations and resolution of identified issues,” ani ng Pangulo sa seremonya ng pag-turnover ng ikatlong ulat ng IGRB sa Malacañan.
“The manual will clarify the roles, the functions, facilitate proactive monitoring of issues, and establish a system of continuity among the mechanisms,” dagdag pa niya.
Ang BARMM ay inaasahan magkakaroon ng unang halalan para sa Bangsamoro Parliament sa Mayo 12, 2025.
“I reaffirm once again the National Government’s unwavering commitment to helping and assisting the Bangsamoro Government in all its endeavors,” wika ng Pangulo.
“Together, let us continue to build a future where peace, progress, and unity prevail. May our collective efforts to bring about positive change for the BARMM and our nation be realized sooner, rather than later,” dagdag nito.
Ayon sa Pangulo, ang pagpapatakbo ng lahat ng pitong mekanismo ng IGRB ay mahalaga sa pagtiyak ng maayos na pagpapatupad ng mga probisyon at prinsipyong nakasaad sa Bangsamoro Organic Law.
Sinabi ng Pangulo na ang pagkakatatag ng nasabing mga mekanismo, ay matiyak ang higit na pagtutulungan, koordinasyon, at kooperasyon sa pagitan ng Pambansang Pamahalaan at ng Gobyernong Bangsamoro sa pagtataguyod ng pinagsamang hangarin at pagsisikap para sa mamamayan.
Sa ikatlong ulat ng IGRB, ay ipinakita ang pitong mekanismo ng IGR kabilang ang Philippine Congress-Bangsamoro Parliament Forum (PCBPF), Intergovernmental Fiscal Policy Board (IFPB), Joint Body for the Zones of Joint Cooperation (JBZJC), Intergovernmental Infrastructure Development Board (IIDB), Intergovernmental Energy Board (IEB), Bangsamoro Sustainable Development Board (BSDB), at Council of Leaders.
Kasama rin dito ang amnestiya para sa mga dating miyembro ng MILF at MNLF na inaprubahan noong Nobyembre 2023. Kabilang sa mga nagawa ang pagkomisyon ng mga dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Philippine National Police. May kabuuang 396 na kwalipikadong aplikante ang nanumpa bilang PNP patrolmen/patrolwomen noong Disyembre 2023.
Binanggit din ni Pangulong Marcos ang matagumpay na turnover ng iba’t ibang ari-arian ng Pambansang Pamahalaan sa loob ng BARMM sa Bangsamoro Government. Kabilang sa mga ahensyang ito ang Department of Health, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Land Transportation Office (LTO).
Noong Hulyo ng nakaraang taon, pinirmahan ang Intergovernmental Energy Board Circular para sa Joint Award ng Petroleum Service Contracts at Coal Operating Contracts sa BARMM.
Ayon sa Pangulo, ang kapayapaan at pag-unlad na naabot ay bahagi ng sama-samang pagsisikap na maglatag ng batayan para sa epektibong pamamahala at makabuluhang awtonomiya sa BARMM. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)