Bangsamoro Gov’t. naglaan ng 9.3 Milyong Piso para sa Pagpapatayo ng Community Activity Center sa Sulu

(Litrato mula sa tanggapan ni MP Atty. Mary Ann M. Arnado)

COTABATO CITY (Ika-30 ng Hulyo, 2024) — Matapos ang matagumpay na asembleya ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) sa Sulu na dinaluhan ng abot isang-daang libong supporters ng partido ay agad na nagsagawa ang grupo ni BARMM Chief Minister Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim ng groundbreaking ceremony para sa bagong-bago na community activity center na itatayo sa Brgy. Asturias, Jolo, Sulu.

Nitong Linggo, ika-28 ng Hulyo ay isinagawa ang ground breaking ceremony, at ang proyekto ay pinondohan ni MP Atty. Mary Ann M. Arnado sa pamamagitan ng kanyang Transitional Development Impact Fund (TDIF) na nagkakahalaga ng PhP9,350,000.00.

Kasama si MILG Minister Atty. Elijah Dumama Alba at Chief Minister Ebrahim na nanguna sa pagpapatayo ng community center.

“We anticipate that this new activity center will foster increased community engagement and productive activities in the province,” pahayag pa sa social media post ni MP Atty. Arnado.

Nagpasalamat din si MP Atty. Arnado kay Chief Minister Ebrahim at Minister Dumama-Alba sa kanyang presensya sa seremonya kalakip ang kanilang buong suporta sa inisyatibong ito. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Pagsasanay sa Halal Certification, Dinaluhan ng Mahigit Dalawampung Magsasaka sa Cotabato City
Next post PSRO Dumalo sa Pagpupulong ng Bangsamoro Regional Security Council