33rd Infantry Makabayan Battalion, LGUs ng Maguindanao del Sur sanib pwersa sa pagbibigay ng tulong sa bayan ng Mamasapano

(Litrato mula sa 33rd Infantry Makabayan Battalion Facebook page)

COTABATO CITY (Ika-27 ng Hulyo, 2024) — Nagbigay ng serbisyo sa  mamamayan ng Sitio Kulalo, Manungkaling, Mamasapano, Maguindanao del Sur ang “Sundalong Makabayan” ng 33rd Infantry Makabayan Battalion, Philippine Army katuwang ang Province of Maguindanao del Sur sa ilalim ng pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu, kasama ang Maguindanao del Sur Mobile Medical Team sa pangunguna ni Dr. Amihan Linayan Ali, MD at ang Office of the Vice Governor, Hon. Nathaniel Midtimbang, na nirerepresenta ni Ms. Hasmin Manguda, Lokal na Pamahalaan ng Mamasapano sa pamumuno ni Hon. Akmad Ampatuan Jr, Mayor, na nirerepresenta ni Mr. Roger Gornez, Municipal Secretary, Barangay at Sangguniang Kabataan Officials sa pangunguna ni Hon. Amier Fahad Ampatuan, Punong Barangay na ginanap sa Covered Court ng Masukat Primary School noong ika-25 ng Hulyo.


Ayon pa sa social media post ng 33rd Infantry Makabayan Battalion, ang Serbisyo Caravan ay naglalayong ihatid ang mga serbisyo mula sa gobyerno lalo na sa malalayong lugar, upang maibahagi ang kanilang mga programang pangkalusugan sa mga mamamayan ng Manungkaling, Mamasapano. Mula sa Medical Mobile Team ng Province of Maguindanao del Sur na pinangungunahan ni Dr. Ali, MD, kanilang inialay ang libreng medical check-up,  gamot, dental check-up at bunot ng ngipin, tuli, reading eyeglasses, at feeding program para sa mga bata.

May kasamang libreng gupit din na handog ng Sundalong Makabayan at 200 relief packs ang ipinamahagi sa mamamayan ng Manungkaling mula sa Office of the Vice Governor sa pangunguna ni Hon. Midtimbang. “May 100 sako na tig-25 kilo na bigas at 100 relief packs mula sa DSWD at MSSD kung saan sa bawat isang sako ng bigas at isang karton ng relief packs ay limang pamilya ang maghahatian’, dagdag pa sa ulat ang ibinigay ng nagsanib pwersang grupo sa Serbisyo Caravan.

“Humigit kumulang pitong daan (700) na pamilya ang nakatanggap ng benepisyo mula  sa ating gobyerno,” ayon pa sa Makabayan Battalion.

Samantala, nagpapasalamat sa lahat ng nagkusa at nagbigay-tulong ang aktibong Commanding Officer ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion, LTC Udgie C Villan, INF (GSC) PA kasabay ng panghihikayat nito sa bawat mamamayan na iwasan ang kaguluhan at hindi na kailangan pang daanin sa dahas sapagkat mayroon na anyang gobyerno na handang magbigay ng tulong at Sundalong handang magbigay seguridad para sa kapayapaan at pag-unlad sa lugar ng Bangsamoro. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post UBJP gaganapin ang Sulu Provincial Assembly sa Jolo, Sulu
Next post MOST Nagsagawa ng Project Assessment sa mga Benepisyaryo ng Paaralan sa Cotabato City