Estudyante sa Sulu masaya dahil sa Project IQBAL
COTABATO CITY (Ika-25 ng Hulyo, 2024)— Bilang bahagi ng pagpapatupad ng Project Improve Quality Education in the Bangsamoro Land (IQBAL), ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) Property and Supply Section ay naghatid at namahagi ng iba’t ibang learning materials sa mga paaralan sa Sulu upang maging masaya ang mga estudyante sa pagbubukas ng paaralan para sa S.Y. 2024-2025.
Ang proyekto ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa rehiyon ng Bangsamoro. Ang mga supply na naipamahagi ay kinabibilangan ng 1,857 learners’ kits, 56 manipulative toys, 56 flashcards, 56 charts, 56 kiddie books, at 616 boxes ng McDonald’s toys.
Ayon sa MBHTE, ang learning materials ay ibinigay sa mga paaralan ng Bakkaan PS, Bangalaw ES, Bukkutua ES, Bullaan ES, Dungon ES, East Tattalan ES, Kahikukuk ES, Kalang ES, Lubbak ES, Lupah Pula ES, Luuk Tongkil ES, Paarul ES, Sigumbal ES, Sipak ES, Tabialan ES, at Tinutungan ES.
Dagdag pa ng Ministry na ang mga hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng MBHTE sa pangunguna ni Education Minister Mohagher M. Iqbal na mapataas ang antas ng edukasyon sa Bangsamoro, lalo na sa mga lugar na malayo at nangangailangan ng karagdagang suporta. Ang mga gamit sa Pag-arak na ito ay inaasahang makakatulong sa mga mag-aaral na mas mapahusay ang kanilang mga kasanayan at kaalaman. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)