MOH Opisyal na Itinatag ang Unang Field Health Office sa SGA BARMM

(Litrato mula sa MOH-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-23 ng Hulyo, 2024)  — Sa pangunguna ni BARMM Health Minister Kadil Sinolinding, Jr., isang physician-ophthalmologist at miyembro ng Bangsamoro Parliament, kasama si Dr. Zul Qarneyn Abas, Deputy Minister of Health ay opisyal nang binuksan ng Ministry of Health (MOH) ang kanilang unang Field Health Office (FHO) sa Special Geographic Area (SGA) upang magbigay ng serbisyong pangkalusugan sa 63 barangay na bumoto na maging bahagi ng rehiyon sa isang plebisito noong 2019.

Ang bagong FHO ay matatagpuan sa Barangay Batulawan, Pikit, kung saan pangangasiwaan ito ng mga health workers mula sa MOH. Bagaman heograpikal na nasa probinsya ng Cotabato, na sakop ng Administrative Region 12, ang mga barangay na ito ngayon ay bahagi na ng walong bagong itinatag na munisipalidad sa BARMM.

Ayon pa sa opisyales ng Ministeryo ng Kalusugan, layunin ng pagtatag ng FHO na tugunan ang pangangailangan ng mga residente ng SGA sa kanilang kalusugan at kung saan alinsunod din ito sa direktiba ni Chief Minister Ahod Ebrahim, na bigyang prayoridad ang healthcare access para sa mga mamamayan ng BARMM. Ang programa ay ginanap nitong ika-21 ng Hulyo, sa Barangay Batulawan, SGA, BARMM. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MBHTE, Inilunsad ang Home-Grown School Feeding Program para Labanan ang Malnutrisyon sa BARMM
Next post MSSD-BARMM patuloy ang suporta sa Island Province ng Tawi-Tawi at Sulu