Pamilyang Bangsamoro na apektado ng Baha sa SGA BARMM tinulungan ng UBJP

(Litrato mula sa UBJP Regional Headquarters)

COTABATO CITY ( Ika-18 ng Hulyo ng 2024 ) — Ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP) Regional Headquarters ay nagsagawa ng relief operation kasama ang mga Volunteer Groups sa bayan ng Tugunan at Ligawasan sa Special Geographic Area ng BARMM nitong ika-16 ng Hulyo 2024.

Kasama sa kanilang mga ipinamahagi na relief packs ay bigas, delata, tsinelas, at iba pang pangunahing pangangailangan na makakatulong sa mga residente na naapektuhan ng kalamidad sa mga nasabing bayan.

Isa rin sa kanilang mga aktibidad ang courtesy visit sa Local Government Units ng Tugunan at Ligawasan, pati na rin ang kamustahan sessions sa mga apektadong residente.

Layunin ng UBJP Regional Headquarters at ng kanilang mga volunteer groups na magkaisa upang maghatid ng tulong at suporta sa mga nangangailangan sa panahon ng kalamidad. (Noraima A. Samad MSU-Maguindanao OJT ABIS student,BMN/Bangsamoro Today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Bangsamoro READi QRTs, tumugon sa Pamilyang Apektado ng Baha sa Special Geographic Area ng BARMM
Next post BARMM Chief Minister Ebrahim, Pinangunahan ang MAFAR Distribution ng CLOA para sa mga Magsasaka at Mangingisda