BARMM Chief Minister Ebrahim, Pinangunahan ang MAFAR Distribution ng CLOA para sa mga Magsasaka at Mangingisda

(Litrato mula sa BARMM Chief Minister Ahod B. Ebrahim)

COTABATO CITY (Ika-18 ng Hulyo, 2024) — Pinangunahan ni BARMM Chief Minister
Ahod “Alhaj Murad” B. Ebrahim ang 4th Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR) BARRMM sa distribution ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) para sa mga magsasaka at mangingisda bilang pagdiriwang sa Bangsamoro Farmers and Fisherfolks week nitong araw ng Martes ika-16 ng Hulyo, na ginanap sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex (SKCC), BGC, Cotabato City.

Pinasalamatan naman ng Chief Minister ang MAFAR sa pangunguna ni Minister Mohammad S. Yacob at buong work force at officials ng Ministry sa patuloy na pagtupad sa mga pangarap at mapalago ang kabuhayan ng mga magsasakang Bangsamoro, gayundin sa National Government sa pamumuno ni President Ferdinand “Bong Bong”
Marcos, Jr.

Pinasalamatan din ni Chief Minister ang mga magsasaka at ipinakita ang kanyang kasiyahan bilang parte sa pagtupad sa pangarap ng mga magsasakang Bangsamoro.

“Masaya ako na magbibigay tayo ng Certificate of Land Ownership na may kabuuang land area na mahigit kumulang 1,367 hectares sa mga probinsya ng Sulu at Tawi-tawi at sa Special Geographic Area o SGA. Pinasasalamatan ko ang MAFAR sa pangunguna ni Minister Mohammad Yacob at ang buong workforce ng Ministry sa patuloy nitong pagtupad ng ating mga pangarap,” ani ni Ebrahim.

“Nung una ang mga pangarap na ito ay mahirap makamit, ngunit dahil sa ating pagsisikap at pagpupursigi sa pagsulong ng pangarap at karapatan ng Bangsamoro ay dahan dahan nating tinatamasa ang nararapat para sa inyo,” dagdag pa nito.

Samatala, sa kabuuang bilang humigit kumulang na Land area of 1,367 hectares ang ipinamahagi sa mga probinsya ng Sulu, Tawi Tawi at Special Geographic Area (SGA).

Layunin ng nasabing programa ang magbigay daan tungo sa mas maginhawa at mas maunlad na kinabukasan ang mga Bangsamoro lalo na ang magsasaka kasama ng kanilang mga pamilya at maging inspirasyon ang programa sa lahat upang pahalagahan ang sector ng agrikultura na siyang pundasyon ng matatag na ekonomiya dito sa Bangsamoro.

Kabilang sa mga dumalo ay ang MAFAR Officials, Undersecretary Office for Mindanao Affairs (OMA) Amihilda J. Sangcopan, MP Matarul M. Estino, Undersecretary Field Operation Office- Atty. Kazel Celeste, at dalawang national government upang ipakita ang kanilang suporta sa nasabing programa. (Sopia A. Angko, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Pamilyang Bangsamoro na apektado ng Baha sa SGA BARMM tinulungan ng UBJP
Next post Chief Minister Ebrahim, ipununto ang Kahalagahan ng “MILF-UBJP Lead” sa BARMM Regular Bangsamoro Gov’t.