Sec. Rex Gatchalian, Bumisita sa mga Apektadong Pamilya ng baha sa Mindanao


Apektado ng baha sa Balabagan, Lanao Del Sur binista ni National Government DSWD Sec. Rex Gatchalian, Special Assistant to the President- Antonio Florendo Lagdameo Jr. at Mindanao Development Authority Chairperson Sec. Leo Tereso Magno.
Sa tulong ni DSWD Regional Director Nonoy Vargas Cabaya Jr. at ng mga anghel na naka-red vests, naisakatuparan ang pamamahagi ng relief supplies sa 145 pamilyang naapektuhan ng pagbaha kamakailan sa Balabagan, Lanao Del Sur. (Litrato mula ka Rusty Chavez Manuel)

COTABATO CITY (Ika-15 ng Hulyo, 2024) — Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian kasama ang Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr., at Mindanao Development Authority Chairperson Secretary Leo Magno ay dumating kahapon, araw ng Linggo ika-14 ng Hulyo, sa Awang Airport, Datu Odin Sinsuat upang direktang makita ang kalagayan ng mga Bangsamoro na apektado ng baha.

Dumalo rin ito sa isang briefing tungkol sa epekto ng kamakailang weather system sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kung saan pinangunahan ni Sec. Gatchalian ang ceremonial distribution ng cash assistance at reliefs supply sa mga pamilyang apektado ng baha.

“We are here to ensure that the needs of our people are met swiftly and effectively,” ani Sec. Gathchalian.

Personal din na tinungo ni Sec. Gatchalian kasama si Maguindanao del Norte Governor Abdulraof “Gob Sam” Macacua, at iba pang mga opisyales upang bisitahin at suriin ang sitwasyon at kalagayan ng mga pamilyang sinalanta ng baha sanhi ng malakas na ulan na dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Samantala, nasa 145 pamilyang naapektuhan ng pagbaha ang tumanggap ng mga reliefs supplies partikular na sa bayan ng Balabagan, Lanao Del Sur.

Sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) tumanggap din ang mga pamilyang ganap nang nasira ang bahay ng Php 10,000, habang ang pamilyang may bahagyang nasira naman ay nakatanggap ng Php 5,000 bilang tulong pinansyal. (Sopia A. Angko, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post UBJP Cadres Assembly, ginunita ang mga naiambag ng MNLF, MILF sa Pagkilala at Pagkamit sa Karapatan ng Bangsamoro
Next post Groundbreaking ng Social Development Center sa Indanan, Sulu, Inilunsad ng MSSD