Project TABANG Naghatid ng Tulong sa mga Biktima ng Baha sa Pahamudin, SGA

(Litrato mula sa Project TABANG-BARMM)

COTABTO CITY (Ika-15 ng Hulyo, 2024) — Bilang tugon sa direktiba ni Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim na lahat ng mga ahensya ng Pamahalaang Bangsamoro, ay hinihikayat nito na magbigay ng agarang tulong sa mga biktima ng baha at lindol dulot ng malakas na pag-ulan sa mga lalawigan ng Bangsamoro region sanhi ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Dahil sa pinaiting na kautusan ay agarang naghatid ang Project TABANG ng tulong sa pamamagitan ng rice assistance, livelihood support, at basic medical kits sa munisipalidad ng Pahamudin noong Huwebes, ika-11 ng Hulyo, 2024.

“Sa panahong ito, ating pinapayuhan ang mga local na pamahalaan ng BARMM na maging alerto at handa. Ang Bangsamoro Government ay hinimok ang publiko na makipag-tulungan sa inyong pinakamalapit na tanggapan at awtoridad para sa angkop na gabay at tulong. Ganun pa man nananatili kaming naka-antabay at naka-alalay sa inyo,” ayon kay Chief Minister Ebrahim sa isang video message na posted sa opisyal na Facebook page ng Bangsamoro Government.

Ang Project TABANG ay nagtaguyod ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng BARMM at nangako ng patuloy na suporta.

Sa pamamahagi ng 1,600 sako ng bigas na may timbang na 25 kilogram, 500 na butil ng iba’t ibang gulay, at mga gamot at bitamina, ang Bangsamoro Government at Project TABANG ay tinulungan ang mga residente ng Pahamudin at kalapit na komunidad.

Pinangunahan ni Assistant Senior Minister, Project Manager Abdullah “Dong” Cusain at Deputy Project Manager Abobaker I. Edris, kasama ang iba’t ibang opisyal at volunteers mula sa Pamahalaang Lokal ng Barangay Units (BLGUs) ng Pahamudin.

Nagpahayag ng pasasalamat ang mga residente ng Pahamudin sa tulong ng Bangsamoro Government at Project TABANG para sa kanila. (Rahima K.Faisal, MSU-Maguindanao OJT AB-Studies, BMN/Bangsamoro Today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post “Gob Sam” Namahagi ng Cash Assistance at Family Food Pack mula kay PBBM para sa Pamilyang Apektado ng Baha sa Matanog MDN
Next post 94,395 Katao Apektado ng Baha sa BARMM dahil sa Patuloy na Pag-ulan