Bangsamoro READi, Pinangunahan ni Atty. Abas ang Rescue Operations sa Matanog, MDN
COTABATO CITY (Ika-15 ng Hulyo, 2024) — Personal na dumalaw si Atty. Datu Hamad Abas, ang Head ng Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidents (READi), sa Incident Command Post at temporary shelters na itinatag ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) malapit sa munisipyo ng Matanog, nitong ika-14 ng Hulyo.
Kasama ang Bangsamoro READi Operations, Sinuri ni Atty. Abas ang kasalukuyang sitwasyon sa Ground Zero at ang mga hakbang na ginagawa upang tugunan ang mga biktima ng kalamidad.
Nagkaroon din ng pagpupulong ang grupo kasama si Mayor Zohria S. Bansil-Guro upang ipahayag ang buong suporta ng Bangsamoro READi sa Incident Management Team (IMT) at operasyon ng Search, Rescue, at Retrieval (SRR).
Sa pangunguna ng Bangsamoro Disaster Risk Reduction Council, ang Bangsamoro READi sa pamamagitan ng kanilang Emergency Operations Center ay naglaan ng tulong sa manpower at transportasyon upang suportahan ang mga primary response na ginagawa ng Provincial DRRM Office at ng Pamahalaang Lokal ng Matanog.
Ang Bangsamoro READi bilang executing Arm ng Bangsamoro Disaster Risk Reduction Council sa pamamagitan ng kanilang Emergency Operation Center ay nagbibigay ng tulong sa paggawa at transportasyon sa lugar upang mapalakas ang mga pangunahing aksyon ng pagtugon na ginawa ng Provincial DRRM office at ng Municipal Local Government ng Matanog. (Noron M. Rajabuyan, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)