3rd Steering Committee Meeting para sa RNDP-CAAM Pinangunahan ng DPWH
COTABATO CITY (Ika-15 ng Hulyo, 2024) — Ang Ministry of Public Works (MPW) ay lumahok sa 3rd Steering Committee Meeting para sa Road Network Development Project sa Conflict-Affected Areas ng Mindanao (RNDP-CAAM) sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways(DPWH) na pinondohan ng Japan International Cooperation (JICA), noong araw ng Huwebes ika-11 sa buwan ng Hulyo,.
Ang nasabing meeting ay pinangunahan ni DPWH Senior Undersecretary Esmail K. Sadain, na nangangasiwa ng mga DPWH Infrastructure Flagship Project at nagsisilbing Chairperson ng RNDP-CAAM Steering Committee kasama si OIC-Ministry Danilo A. Ong ng MPW-BARMM.
Inihayag ni Senior Undersecretary Saidin na bagaman di maiiwasan ang mga hamon sa buhay ay mahalagang patuloy na magsumikap at magpakita ng lubos na dedikasyon sa pagpapalakas ng mabisang koordinasyon sa Local Government Units (LGUs) ng Bangsamoro Region at sa Project-Affected Communities para sa matagumpay na implementasyon ng RNDP-CAAM.
Ayon kay Senior Undersecretary Sadain, “Ito ay isang mahalagang pagkakataon para sa economic development sa Bangsamoro Region. Ang Build Better More program ay tutulong sa pagkamit ng ating mga layunin para sa economic progress at transformation.”
Ipinahayag din ni OIC Ong ang taos-pusong pasasalamat para sa patuloy na suporta at pakikipagtulungan mula sa mga stakeholders at sektor ng seguridad para sa mga proyekto sa meeting. Ayon din dito, ang aktibong partisipasyon at suporta ng lahat ay mahalaga sa pagsulong at pag-siguro ng maayos at matagumpay na pagtatapos ng mahahalagang proyektong imprastruktura.
“Malinaw na ang ating kolektibong mga pagsisikap ay may mahalagang papel sa tagumpay ng mga proyektong ito. Ang inyong aktibong paglahok at pakikisangkot ay mahalaga habang ating nasasaksihan ang isa pang milestone. Sa malakas na koordinasyon ng iba’t ibang sektor, ang ating mga pangarap ay hindi na lamang pangarap; kitang-kita na natin ang isang magandang kinabukasan na mabilis na lumalapit. Ito ay hindi na lamang isang imahinasyon kundi isang katotohanan na madali nang matutupad,” pahayag ni OIC Ong sa pagtatapos ng programa.
Layunin ng proyekto na makamit ang economic development, bawasan ang kahirapan, at itaguyod ang peacebuilding sa conflict-affected areas sa pamamagitan ng pagpapabuti at pagtatayo ng mga kalsada at tulay, pagpapadali ng paggalaw ng mga produkto, mas aktibong economic activities, at pagpapalakas ng accessibilities at linkages sa ibang mga lugar sa bansa. (Refaida M. Diro, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)