Scholar Students, Tumanggap ng Educational Aid mula sa BARMM Government

(Litrato mula sa digital online service provider ng BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-12 ng Hulyo, 2024) – Ang Ministry of Science and Technology (MOST) ay nabigyan ng Php11,600,000.00 educational cash grant para sa mga incoming college students na nagmula sa iba’t ibang rehiyon na hangaring pagyamanin ang edukasyon sa larangan ng agham at teknolohiya.

Ang scholarship grant ay bahagi ng Bangsamoro Special Assistance for Science Education (BSASE), na layuning pangalagaan ang development ng mga indibidwal sa larangan ng agham at teknolohiya.

Sa mensahe si BARMM Chief Minister Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim na binigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon sa patuloy na paghahangad ng pag-unlad sa rehiyon.

“This event is a testament to our mission of promoting the field of science, technology, and innovation and producing science and technology professionals across the region,” ani Chief Minister Ebrahim.

Binigyang-diin din niya na ang BSASE scholarship program ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga mag-aaral; sa halip, ito ay isang investment sa kabataan, na siyang kinabukasan ng Bangsamoro.

Ayon sa MOST, ang unang batch ng BSASE grantees ay indibidwal na tatanggap ng PhP40,000.00 para sa unang semestre ng 2024 academic year, Enero hanggang Mayo at tatanggap ng P8,000.00 kada buwan sa susunod na semestre.

Ang mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Science and Technology ay nag-apply sa pamamagitan ng Office of Members of Parliament kasama ang MOST facilitation.

Samantala, hinikayat ng Ministro ng MOST na si Engr. Aida Silongan ang mga iskolar na gamitin ang kapangyarihan ng agham sa paghubog ng kanilang buhay at ang kinabukasan ng Bangsamoro.

“Your journey will begin by implementing the power of science to shape your lives and the future of Bangsamoro. We believe in you to bring us a brighter tomorrow. May your journey be filled with inspiration and success,” ayon kay MP Engr. Silongan.

Ang BSASE scholarship program ay isang flagship initiative ng MOST, na itinatag sa ilalim ng Bangsamoro Autonomy Act (BAA), na naglalayon na suportahan ang edukasyon ng mga mahuhusay at karapat-dapat na mga mag-aaral ng Bangsamoro Region. (Sopia A. Angko, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post 4Ps Beneficiaries sa Masiu, LDS lumahok sa Parents Effectiveness Seminar
Next post Ospital sa Cotabato City nakatanggap ng Tulong Pinansyal mula sa Bangsamoro Gov’t.