Ospital sa Cotabato City nakatanggap ng Tulong Pinansyal mula sa Bangsamoro Gov’t.
COTABATO CITY (Ika-12 ng Hulyo 2024) — Nag turnover ng tulong pinansyal sa tatlong ospital dito sa Lungsod ng Cotabato si MP Engr. Aida M. Silongan bilang bahagi ng Medical Outreach Program sa ilalim ng Ministry of Health (MOH) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na ginanap sa kani-kanilang ospital nitong ika-10 ng Hulyo.
Nakatanggap ng tulong pinansyal ang Cotabato Regional and Medical Center ng PhP1,000,000, ang Hospital ng Notre Dame ay PhP250,000, at ang United Doctors Hospital naman ay PhP250,000.
Ayon sa tanggapan ni MP Silongan, ang tulong pinansyal ay naglalayon na mapabuti ang mga serbisyong medikal at pasilidad, na tinitiyak ang mas mahusay na pakikipag tulungan sa iba’t ibang miyembro ng Parliament sa pangangalaga ng kalusangan para sa komunidad.
Dinaluhan ni MP Silongan ang turnover ceremony kasama ang mga office of staff ng MOH at ang Gobyerno ng Bangsamoro ay nananatiling nakatuon sa pagsuporta at pangangalaga ng pangkalusugan, na magpakita ng kanilang pangako sa kagalingan at pag-unlad ng rehiyon. (Fatima G. Guiatel, MSU-Maguindanao, OJT ABIS Student, BMN / Bangsamoro Today)
COTABATO CITY (Ika-12 ng Hulyo 2024) — Nag turnover ng tulong pinansyal sa tatlong ospital dito sa Lungsod ng Cotabato si MP Engr. Aida M. Silongan bilang bahagi ng Medical Outreach Program sa ilalim ng Ministry of Health (MOH) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na ginanap sa kani-kanilang ospital nitong ika-10 ng Hulyo.
Nakatanggap ng tulong pinansyal ang Cotabato Regional and Medical Center ng PhP1,000,000, ang Hospital ng Notre Dame ay PhP250,000, at ang United Doctors Hospital naman ay PhP250,000.
Ayon sa ulat, ang tulong pinansyal ay naglalayon na mapabuti ang mga serbisyong medikal at pasilidad, na tinitiyak ang mas mahusay na pakikipag tulungan sa iba’t ibang miyembro ng Parliament sa pangangalaga ng kalusangan para sa komunidad.