MP Pacasem nagbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa bayan ng Matanog
COTABATO CITY (Ika-12 ng Hulyo, 2024) — Ang opisina ni MP Ubaida C. Pacasem ay nagbigay ng paunang tulong sa ilang residente na nasalanta ng bagyo, sa bayan ng Campo Uno, Brgy. Bugasan Sur, Matanog, Maguindanao bilang tugon sa mga residente na naapektuhan ng malakas na pag-ulan.
Ang opisina ni MP Pacasem ay nagbigay ng tulong, tulad ng mga damit, water containers at mainit na pagkain nitong araw ng Huwebes ika-11 ng Hulyo.
Samantala, nagbigay rin ng tulong ang Lokal na Pamahalaan ng Matanog, Provincial Government ng Maguindanao Del Norte, at ibat’ ibang ahensya ng Bangsamoro Government kabilang ang Bangsamoro Ready, MSSD, MPW, at Project TABANG, tumulong din ang mga pribadong individual at organisasyon, AFP, PNP at Philippine Marines.
Ang opisina ni MP Pacasem ay hinihikayat nito na magbigay ng tulong ang mga mamamayan na may kakayahang tumulong sa mga nasalanta ng malakas na ulan. (Noron M. Rajabuyan, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)