Community Learning Center Groundbreaking Ceremony sa MILF Camps isinagawa ng CFSI at BARMM Ministries
COTABATO CITY (Ika-12 ng Hulyo, 2024) — Nagsagawa ang Community and Family Service International (CFSI) ng isang serye ng Groundbreaking Ceremonies sa ilalim ng Community for Learnings and Employment Project( CLEP) para sa 6 na Community Learning Center (CLCs) sa anim (6) na kampo ng Moro Islamic Liberation Front(MILF) mula June 26 hanggang July 3.
Ang pagpapatayo ng mga CLCs ay upang magbukas ng mga oportunidada para sa kabuhayan at trabaho ng 6 MILF camp na limitado ang access sa mga learning centers, kabilang na dito ang Rajamuda, Omar, Badre, Bilal, Bushra, Abubakar, at sa iba pang mga karatig na kumunidad. Layunin din nito na maghatid ng holistic at mag kakaugnay na service ng government lalo na sa edukasyon.
Ang CLEP Project coordinator na si Alizain Tahir ay nag bahagi ng kanyang overview ng mga layunin at adhikain ng Project.
“Ang pagtatayo ng mga CLC ay magbibigay-daan sa mga benepisyaryo na magkaroon ng madaling access sa mga technical training nang hindi na kailangang pumunta sa mga training centers para makuha ang mga training programs,” ayon sa kanya.
Dagdag pa nito, “Ito ay magsisilbing simula para sa ating dalawang layunin bilang bahagi ng camp transformation tulad ng pagbuo ng mga training programs para sa kabuhayan at pagbuo ng mga training programs para sa trabaho.”
Samantala, kasama din ang Bangsamoro Planning and Development Authority (BPDA) at Joint Task Force for Camp Transformation (JTFCT) pati na rin ang CLEP Technical Working Group (TWG) na binubuo ng mga BARMM Ministries kasama ang Ministry of Basic, Higher, and Technical Education – Technical Education and Skills Development (MBHTE-TESD), Ministry of Labor and Employment (MOLE), Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR), Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy (MENRE).
Nagbahagi din ng kani-kanilang mensahe ang TWG Members, MOLE, MBHTE-TESD, MAFAR, MENRE kung saan nagpakita ng kanilang pag suporta para sa CLEP. (Refaida M. Diro, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student/BMN BangsamoroToday)