BARMM Project TABANG, Nagbigay ng Tulong para sa mga Pamilyang naapektuhan ng Baha

(Litrato mula sa Project TABANG)



COTABATO CITY (Ika-12 ng Hulyo 2024) — Ang pamimigay ng tulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng baha at pagguho ng lupa sa Matanog Maguindanao Del Norte ay pinangunahan ng Project TABANG sa ilalim ng tanggapan ni BARMM Chief Minister Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim mula nitong Ika-11 ng Hulyo.

Sa kabuuan, 2,500 sako ng bigas, 2,500 food packs, 168 kitchenware sets, at 3,000 packs ng gamot at bitamina ang natanggap ng mga residente. Kasama rin sa mga ipinamigay ay mga banig, kumot, at iba pang emergency kits na kinakailangan ng mga pamilyang apektado ng kalamidad.

Apektadong lugar ng flash flood sa Matanog, Maguindanao del Norte. (Litrato mula sa Project TABANG)

Pinangunahan ang pamamahagi ng Miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) kabilang si Romeo Sema, Zohria S. Bansil-Guro, ang Mayor ng Matanog; Sanaira I. Ali-Imam, ang Vice Mayor, kasama ang iba pang opisyal at kinatawan ng Local Government Units (LGUs) ng Matanog at Bangsamoro Government.

Nagpasalamat si Mayor Guro sa tulong na ibinigay ng Bangsamoro Government at Project TABANG para sa mga rasidenteng na apektuhan ng baha sa Matanog.

Ang Project TABANG ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the Chief Minister (OCM) na layuning mailapit ang Bangsamoro government sa mga tao. (Nurhaya A. Esmael, MSU-Maguindanao OJT ABIS student, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Community Learning Center Groundbreaking Ceremony sa MILF Camps isinagawa ng CFSI at BARMM Ministries
Next post MP Pacasem nagbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa bayan ng Matanog