MSSD Namahagi ng Multi-Purpose Cash Assistance para sa 90 magsasakang apektado ng El Niño sa LDS
COTABATO CITY (Ika-11 ng Hulyo, 2024) — Ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ay nagsagawa ng payout sa pamamagitan ng provincial office ng Lanao del Sur para sa mga benepisyaryo ng Multi-Purpose Cash Assistance (MPCA) na naapektuhan ng El Niño sa Tugaya, Lanao del Sur noong ika-1 ng Hulyo.
Siyamnapu (90) na magsasaka na naapektuhan ng tagtuyot ang nakatanggap ng PhP5,800 bawat isa mula sa ministeryo sa pamamagitan ng MPCA bilang bahagi ng mga recovery intervention na ipinatupad sa ilalim ng Disaster Response and Management Division.
Ayon sa MSSD, ang programang ito ay layuning magbigay ng emergency fund para sa mga bulnerableng mamamayan at mabawasan ang mga panganib, matugunan ang mga mahahalagang pangangailangan sa panahon ng sakuna at mabigyang ng suporta pagkatapos ng mga sakunang tumama. (Rahima K. Faisal MSU-Maguindanao OJT AB-IS Studies, BMN/Bangsamoro Today)