BARMM, Lumahok sa 2024 National Festival of Talents sa Cebu
COTABATO CITY (Ika-11 ng Hulyo, 2024) — Ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na kinakatawan ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE), ay lumahok sa 2024 National Festival of Talents (NFOT) na gaganapin mula Hulyo 9-12, 2024, sa Naga City, Cebu upang maipamalas ang talino at galing sa 19 na events.
Kasama sa mga events na ito ang Fruit & Vegetable Carving, Food Processing, Dressmaking, Electrical Installation & Maintenance, Recycling Waste Materials, Technical Drafting, Kasaysayan Quiz, Pop Quiz, Extemporaneous Speech, Story Retelling, Oratorical Composition and Presentation, Oral Reading Interpretation, Muling Pagkukwento, Sulat Bigkas Talumpati, Interpretatibong Pagbasa, STEMazing, Harf Touch, Oration (Nasheedah), at Reading Qur’an.
Pinangunahan ni Vice President at dating DepEd Secretary Sara Z. Duterte ang pagbubukas ng isang linggong aktibidad na may temang “Galing, Talino, at Husay ng mga Batang Makabansa sa Diwa ng MATATAG na Adhika.” Ang NFOT ay isang taunang co-curricular activity ng Department of Education (DepEd) na naglalayong magbigay ng makabuluhang karanasan sa pag-aaral para sa mga mag-aaral ng basic education upang ipakita ang kanilang mga talento at kasanayan na nakaangkla sa mga learning competencies na nakamit sa paaralan. (Fatima G. Guiatel, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)