Governor Macacua, personal na tinungo at nakiramay sa pamilyang apektado ng flash flood sa bayan ng Matanog

Maguindanao del Norte Governor Abdulraof “Gob Sam” Macacua ay prsonal na tinungo ang sitio Campo Uno ng Barangay Bugasan Sur, Matanog na tinamaan ng matinding flash flood. (Litrato mula sa Provincial Government of Maguindanao del Norte)

CEBU CITY (Ika-11 ng Hulyo, 2024) — Pinuntahan ni Governor Abdulraof “Gob Sam” Macacua ang sitio Campo Uno ng Barangay Bugasan Sur, Matanog, Maguindanao del Norte umaga ng Miyerkules, July 10, upang personal na makiramay at magpaabot ng tulong sa mga pamilyang lubos na apektado ng tubig-baha dahilan upang masira ang kanilang ari-arian.

Ayon pa sa social media post ng probinsya, “Bagamat nagpalabas ng yellow warning ang tanggapan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management ay hindi maiiwasan na magreresulta ng pinsala ang naturang sakuna kahit pa man dumating sa lugar ang mga nagresponde mula sa probinsya, READi-BARMM, at iba pang sangay ng pamahalaan.”

Nakipagpulong din si Gob Sam sa mga apektadong pamilya. Ang PDRRMO, kasama ang BFP-Special Rescue Force BARMM, Coast Guard District- BARMM, CDRRMO Cotabato City Rescue Team, Marine Battalion Landing Team-2 (MBLT-2), PNP at Bangsamoro Readi ay nagsagawa ng malawakang search, rescue, at retrieval mga operasyon.

Dagdag pa sa ulat na masusing minomonitor ni Gob Sam ang sitwasyon sa lugar at nagpapatuloy ang search and retrieval operations ng PDRRM at iba’t ibang ahensya ng BARMM government, kabilang na ang kalagayan ng apektadong pamilya.

Matatandaan na noong July 9, rumaragasang tubig ang tumama sa sa Barangay Campo Uno ng bayan. Bilang tugon, nagsagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Maguindanao del Norte sa mga apektadong lugar. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post BARMM, Lumahok sa 2024 National Festival of Talents sa Cebu
Next post UBJP patuloy ang mga Programa bilang Paghahanda sa 2025 Elections